^

PSN Showbiz

Rape case ni Deniece Cornejo kay Vhong ibinasura ng DOJ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi lumusot sa Department of Justice (DOJ) ang kasong panggagahasa na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host na si Vhong Navarro.

Sinabi ng DOJ ngayong Huwebes na wala silang nakitang probable cause upang ituloy ang kaso.

Sa kaparehong resolusyon ay inaprubahan naman ng DOJ ang pagtutuloy ng kasong serious illegal detention at serious physical injury kina Cornejo at sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee.

Kaugnay na balita: Vhong naging emosyonal sa desisyon ng DOJ

Pinakakasuhan ng DOJ sina Cornejo, Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at tatlong iba pa na nakilalang sina “Mike,” “John Doe” at “Peter Doe.”

Nitong Enero ay inupakan ng grupo ni Lee si Navarro sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.

Sinabi ni Cornejo na ginahasa siya ni Navarro kaya rumesponde ang mga kaibigan niyang sina Lee.

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND GUERRERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

JOHN DOE

NAVARRO

NITONG ENERO

PETER DOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with