^

PSN Showbiz

Tropa Mo ’Ko Unli cast dadayo sa Abu Dhabi at Dubai

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapanood ng Overseas Filipinos sa Abu Dha­bi at Dubai, UAE ang dalawang bonggang shows na siguradong puno ng kulitan at katuwaan mula sa kanilang mga paboritong artista sa TV5 nga­yong Abril 11 (simula 6:30 p.m. sa Al Jaheli Thea­tre, Armed Forces Officers Club and Hotel, Abu Dhabi) at Abril 12 (simula 7:00 p.m. sa Boracay Club, Asiana Hotel, Dubai). 

Pangungunahan ito ng main cast ng comedy at gag program na Tropa Mo ’Ko Unli, na sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alwyn Uytingco, Wen­dell Ramos, Ritz Azul, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman, at Empoy kasama rin ang guest nila na si Iwa Moto.

Handog ng TV5 International ang show na ito bilang selebrasyon at pasa­salamat para sa Pinoy viewers doon ma­tapos itong maging pangalawang pi­na­­ka-pinapanood na Pinoy channel sa bu­ong Middle East at North Africa sa loob lamang ng tatlong taon.  

Bukod sa nasabing mga show doon, nakatakda ring mag-taping ang cast ng Tropa Mo ’Ko Unli kaya’t mapapanood din ang kulitan at tawanan nila sa iba’t ibang lugar ng Abu Dhabi at Dubai sa mga summer episode ng programa.

Abangan ang Tropa Mo ’Ko Unli linggu-linggo tuwing Sadabo ng 7:30 p.m. sa TV5.

vuukle comment

ABRIL

ABU DHA

ABU DHABI

AL JAHELI THEA

ALWYN UYTINGCO

ARMED FORCES OFFICERS CLUB AND HOTEL

DUBAI

KO UNLI

SHY

TROPA MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with