Butch Francisco ibinuko ang pagiging isnabero ni Sam Concepcion

PIK: Na-enjoy ng husto ni Regine Velasquez ang tour niya sa Davao kasi inikot niya ang Bankerohan at ang Crocodile Farm na dinadayo ng mga tu­rista.

Nag-commute si Regine nang inikot niya iyon kaya lalo niyang na-enjoy ang Davao-based fruits, seafood, at mga bulaklak na nakikita roon sa Davao.

Masayang experience ito kay Asia’s Songbird kasama si Joey Ayala na mapanood sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga.

PAK: Pinag-iisipan pa ni Butch Francisco kung magsasalita siya sa Startalk para sagutin ang mga basher nito na karamihan ay mga supporter ni Sam Concepcion.

Sinabi kasi ni Butch sa Startalk nung nakaraang Linggo na baka hindi siya unang bumati kay Anne Curtis kaya natarayan ito.

May ganung ugali raw si Sam na hindi nambabati kapag may nakakasalubong o nakakasamang mga taga-showbiz na mas matanda sa kanya.

Katakut-takot na pamba-bash ang inabot ni Butch nang sinabi iyon pero hindi siya nagpaapekto dahil totoo naman daw ang mga sinabi niya.

BOOM: Tumanggi si Jennylyn Mercado na magkomento sa isyung tinatalo ng Rhodora X niya ang The Legal Wife ni Angel Locsin.

Hindi maiwasang pag-usapan iyon dahil consistent na mataas ang rating ng Rhodora X at bukod pa sa mas pinuri ang acting ni Jennylyn dahil sa napaka-challenging na role na ginagampanan niya.

Sagot lang ni Jennylyn, “Hindi ko na po iniisip ’yun, basta ang importante nagagawa namin ang trabaho namin ng maayos at masaya ang mga viewer namin.”

Show comments