May dalawang anak si Quezon City Mayor Herbert Bautista (45) sa kanyang common-law wife na si Tates Gana, sina Athena at Harvey, na parehong nasa showbiz na rin ngayon. Although hindi kasal si Mayor Herbert kay Tates, ito ang kinikilalang “First Lady†ng Quezon City. Mabait at friendly si Tates kaya marami itong kaibigan in and out of showbiz.
Pero balitang-balita na ngayon ang pag-amin ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa relasyon kay Mayor Hebert.
Kahit may apat na anak na si Mayor Herbert (sa magkaibang karelasyon), never pa itong nagpakasal kahit sa kaninong babae. Kaya walang magiging hadlang sa kanilang pagpapakasal kung saka-sakali dahil annulled na ang kasal ni Kris sa dati nitong mister na si James Yap na masaya ngayon sa piling ng kanyang Italian GF na si Michela Cazzola.
Since last term na ni Herbert sa kanyang panunungkulan bilang mayor ng Quezon City, may mga luÂmulutang ding balita na si Kris na ang tatakbo sa pagka-mayor doon sa halip na national position ang takbuhan. Vice mayor naman ng QC si Ma. Josefina “Joy†Belmonte, anak ni Speaker Feliciano “Sonny†Belmonte, dating mayor ng Quezon City.
Herbert, on the other hand, will run for a higher position, most likely sa kongreso o ’di kaya’y sa Senado.
Alma sineryoso nang makatapos ng college
Artistahin din ang 14-year-old son ng dating beauty queen-actress na si Alma Concepcion na si Kobe (Richard Concepcion Puno) na grumadweyt kahapon (March 27) ng Grade 8 sa Ateneo de Manila University. Si Kobe ay anak ni Alma sa negosyanteng si Dodie Puno kung kanino matagal na siyang hiwalay.
Kung grumadweyt si Kobe sa elementary, graduating student naman si Alma on April 25 sa University of the Philippines (Diliman, Quezon City) kung saan siya magtatapos ng interior design. Matagal mang panahon ang hinintay ni Alma sa kanyang pag-aaral, dahil matagal siyang tumigil, natutuwa siya at nag-pay off na rin ang kanyang pagtitiyaga. Una siyang nag-enrol ng tourism course sa University of Santo Tomas at naka-two years din siya ng business course sa Southville International School and Colleges sa Parañaque City until finally ay naisipan niyang mag-enrol sa UP ng interior design.
“Nung umpisa ay parang hindi ako ganoon kaseryoso pero sa kalaunan ay nagseryoso na akong makatapos,†sabi ni Alma.
“Ang sarap pala ng pakiramdam ng magtatapos. Ang nakakatuwa, magkasunod kaming gagradweyt ng anak ko. Siya sa elementary at ako naman sa college.â€
Samantala, katatapos lang gawin ni Alma ang kanyang bagong indie movie, ang Bagong Dugo na siyang directorial debut ng fight instructor at character actor na si Val Iglesias. Tampok sa movie sina Joem Bascon, Mark Gil, Dick Israel, at iba pa. Isa itong action-drama movie.