Sabi na nga, hindi naman maglalambingan sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert BauÂtista ng ganun na lamang at nakita ito sa isang teaÂser na nag-anunsiyo sa ginawang pagbisita ng pulitiko sa programa ng presidential sister nung Lunes. At maski na nakapag-guest na siya ay ipinalalabas pa rin ang nasabing eksena kaugnay ng ginawang paÂÂkikipag-dinner ng ama ng Lungsod ng Quezon sa magkakapatid na Aquino kasama ang kanilang mga pamilya.
Para mabawasan ang espekulasyon ng lahat sa totoong relasyon ng dalawa, minarapat ni Kris na amiÂÂnin na ang real score sa pagitan nila ni Mayor HerÂÂbert sa episode ng Aquino & Abunda Tonight nung Lunes ng gabi. Humingi lamang siya ng pang-unaÂwa na bigyan sila ng privacy para mabigyan ng tsansa na lumawig pa ang kung anumang relasyon meron sila. Bagama’t hindi na nasorpresa ang lahat, marami rin ang na-disappoint to know na failed din pala ang relationship ni mayor sa kanyang current partÂner at ina ng kanyang mga anak na si Tates Gana.
Madir nina Anne at Jasmine pumagitna na
Tama lamang ang desisyon ng ina nina Anne at Jasmine Curtis Smith na pagharapin para magÂkaÂusap ang anak niyang si Anne at ang sinasabing miÂnaltrato nitong boyfriend ni Jasmine na si Sam ConÂÂcepcion. Umuwi rito ang ina ng dalawang arÂtista hindi para makialam sa isyu ng kanyang anak kundi para makapiling sila sa birthday ni Jasmine. It was unfortunate na nangyari ang isyu kina Anne at Sam at gusto niyang magkaayos ang dalawa.
Walang nababalitaang masama ang ina ng dalawang artista tungkol sa aktor kung kaya wala siyang masasabing masama tungkol dito. Ang gusto niya ay hindi magkaro’n ng gap sa pagitan ng magkapatid dahil lamang sa kani-kanilang karelasyon. Thank God for mothers like Mrs. Carmen Curtis Smith!
Aljur nagkawanggawa sa tulong ng banda
Ito talagang si Aljur AÂbreÂnica iba dumiskarte. HinÂdi nakatiis na hindi lapitan ’yung bandang tumutugtog sa Eastwood Libis sa Quezon City habang hinihintay niyang mapasimulan ang event na kung saan ay imbitado siya. Napag-alaman niya na tumutugtog ang banda for a cause para sa mga batang may sakit na kanser. Nagprisinta siyang kumanta ng dalawang awitin.
In between his songs, pinakiusapan niya ang mga manonood na kung makakaya nila ay magbigay naman sila ng anumang halaga nila para sa mga bata. Siya ang unang naglagay ng pera sa isang basket na inilibot sa audience. Nang magsimula siyang kumantang muli ay marami na ang naglagay ng pera sa basket. Walang narinig sa bidang lalaki ng Kambal Sirena tungkol dito. Ang banda ang nagbalita nito sa kanilang post sa Instagram na kung saan ay nagpasalamat sila and said they were “moved†sa ginawa ni Aljur.