Pag-amin ni Kris hindi na nakakagulantang
Hindi kagulat-gulat ang pag-amin ni Kris Aquino na may relasyon sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil noon pa siya nagbibigay ng mga pahiwatig sa social media at KrisTV.
I-wish na lang natin ng good luck sina Kris at Herbert dahil may karapatan din naman sila na lumigaya. Magtagal o maging forever sana ang kanilang relasyon na hindi madali na i-maintain dahil pareho silang mga sikat at kontrobersiyal na personalidad.
Parehong 40 plus ang mga edad nina Kris at Herbert. Sila ang younger counterpart nina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo na ikakasal sa June 14.
Puwedeng humantong sa kasalan
Puwedeng humantong sa altar ang relasyon nina Kris at Herbert na certified bachelor dahil wala pa siyang pinakakasalan sa kanyang mga nakarelasyon. May mga anak si Herbert sa former TV executive na si Eloisa Matias at kay Tates Gana.
I’m sure, tatanungin ng mga reporter sina Eloisa at Tates tungkol sa relasyong Kris at Herbert. Ang tanong, magsasalita ba naman sila?
Si Kris pa lang ang nagsalita at nag-confirm na sila na nga ni Herbert. Waiting ang lahat sa pahayag ng mayor ng Quezon City na nagiging mailap sa media kapag tinatanong tungkol sa kanyang love life.
Dahil umamin na si Kris, asahan natin na naÂkatutok sa kanila ni HerÂbert ang atensyon ng publiko.
Ang kumpirmasyon ni Kris na “dating†sila ni Herbert ang pruweba na totoo ang blind item ni James Yap nang umapir ito sa presscon noon ng PEP.
Sinabi ni James na politician ang inspirasyon ni Kris pero hindi niya binanggit ang name ng mhin. Hindi puwedeng magkamali si James dahil ang kanyang anak na si Bimby ang source ng blind item niya.
Invited si James sa seventh birthday party ng kanyang anak. May posibilidad na magkrus ang mga landas nila ni Herbert sa birthday party ni Bimby.
P-Noy hindi ligtas sa relasyong Kristek
Hindi ligtas si P-Noy sa isyu ng pakikipagrelasyon ni Kris kay Herbert. Araw-araw na nakakausap si P-Noy ng Malacañang Press Corps. Imposibleng hindi siya tanungin ng mga reporter tungkol sa reaksiyon niya sa Kris-Herbert romance.
Alam naman ni P-Noy na magdyowa na si Herbert at ang kanyang bunsong kapatid. Pormal na nagpaalam ang alkalde kay P-Noy tungkol sa intensiyon niya kay Kris. Magkakasama pa nga sila sa isang dinner noong Sabado. Nalaman ng madlang-bayan ang naganap na dinner dahil mismong si Kris ang naglagay ng picture sa Instagram.
Sanay na sanay si Herbert sa showbiz at pulitika. NagsiÂmula bilang child star ang kanyang showbiz career. Hindi na siya basta maaapektuhan ng mga intriga na susubok sa katatagan ng relasyon nila ni Kris.
Fan ni Herbert nagpapanggap pa
Marami ang natuwa para kay Herbert dahil nakatagpo ito ng bagong mamahalin. May isang supporter si Herbert na nag-dialogue na happy siya para sa kanyang mayor na sinusuportahan niya ang career mula pa noong magbida sa Anna Liza at Mara Clara.
Type ko na tampal-tampalin ang supporter ni Herbert na nagpapanggap na tanga dahil kung talagang idol nito si Herbert, alam niya dapat na nakilala si Herbert sa role nito bilang Reneboy sa Flor de Luna. Either nagpapanggap siya na tanga o nagpapatawa siya.
- Latest