Herbert hindi pinaniniwalaang dyowa si Kris

We are inclined to believe na si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang bagong inspirasyon ngayon ng Queen of all Media at presidential sister na si Kris Aquino. Nakita si Mayor Bistek na inihatid si Kris sa home studio nito sa ABS-CBN, nakita rin ang actor-politician sa taping ng Kris TV at hindi puwedeng i-deny na welcome na si Mayor Bistek sa pamilya ng mga Aquino dahil kasama na siya sa dinner ng pamilya.

Kung “nililito” man ni Kris ang publiko by posting different pictures and comments sa kanyang Instagram account, mas malakas ang paniniwala ng ma­rami na ang kuya nina Harlene at Hero Bautista ang bagong love ng TV partner at best friend ni Boy Abunda.

Except sa pagkakaroon nito ng tigda-dalawang anak sa dalawang babae na sina Eloisa Matias at Tates Gana, Mayor Bistek remained a bachelor up to this day at never itong nagpakasal. At kung totoo na sina Kris at Mayor Bistek na, at naisin na magpa­kasal ang dalawa in the future, walang magiging problema dahil binatang-binata ang actor-politician.

It seems na may basbas ang pamilya ni Kris, la­lung-lalo na si Pangulong Noynoy Aquino sa panliligaw o relasyon ngayon nina Kris at Mayor Bistek.

Maricar de Mesa bumitiw na sa basketbolistang asawa

Marami ang nagulat sa hiwalayan ng mag-asa­wang Maricar de Mesa at cager husband nito of seven years na si Don Allado at ang isa sa mga iti­nuturong dahilan ay ang hindi umano pagkakaroon ng anak ng mag-asawa.

Sumasailalim na ang (dating) mag-asawa sa me­dical procedure para magkaroon ng anak pero mukhang hindi na ito matutuloy ngayong hiwalay na ang dalawa.

Veteran actress close na sa anak ng dating nakarelasyong aktor na nag-iwan ng sakit sa kanyang puso

Maliit talaga ang mundo ng showbiz, Salve A.  Min­san ding nagkaroon ng relasyon ang mahusay at controversial veteran actress na ito sa ama ng young actress at ito’y alam ng publiko at mga taga-in­dustriya.  Pero gaano man kalalim ang sugat ay na­paghihilom ito ng panahon. 

Ngayon, magkasama ang veteran actress at anak ng aktor na na-link sa kanya na animo’y wa­lang nangyari in the past.

In showbiz, ang magkakaaway noon ay magkakaibigan ngayon, o ang magkakaribal noon ay magkakatrabaho ngayon, o kung hindi man, ang magkakaibigan noon ay magkakaaway ngayon.

Anyway, that’s showbiz!

Show comments