Mark Herras ayaw pa ring ilantad ang ina ng anak
Kung dati rati ay ayaw ipagsabi ni Mark Herras ang four-month-old baby girl niya, ngayon ay wala siyang bukambibig kundi ang anak niya na tinatawag niyang Ada na pormal na papangalanan niya ng Ada Sofia Nicolette sa isang marangal na binyagan na magaganap sa buwan na ito.
“Okay lang siguro kung marami ang magiging ninang at ninong niya. Napakarami kasi naming mga kaibigan ng kanyang mom kung kaya lahat ay gustong maging sponsor. Idagdag mo pa ang mga personal friend ko from showbiz like Rocco (Nacino), Mike (Tan), Rainier (Castillo), Jen (Jennylyn Mercado), Geleen (Eugenio), Enzo (Pineda), Katrina (Halili), Kris (Lawrence), JayR. Napakarami pa ang handang maging second parents niya. Baka sa kanila pa lang, mapuno na ang simbahan,†anang ama na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang kinabukasan ng kanyang anak.
Samantala, kahit inamin na niya ang kanyang anak ay gusto pa rin niyang maÂpanatili ang privacy nito at maging ang ina ng bata. Ayaw nga niyang bigyan ng coverage ang binyag nito. Kung kinakailangan ay sila lang ni Ada (baby niya) ang papayagan niyang makunan ng picture.
Inamin niya na nabigyan siya ng bagong pananaw sa buhay ng kanyang anak. Wala na munang chicks. Sa kanyang trabaho muna siya magtutuon ng pansin. Maganda ang raÂtings ng Rhodora X at masaya sila na nagkaroon ito ng eight weeks extension.
Gary V. gustong lampasan ang higher ground
Kung ’yung On Higher Ground ay itinuturing kong pinakamagandang concert na ginawa ni Gary Valenciano ever, baka malampasan pa ang tagumpay at kagandahan nito ng ikalawang konsiyerto na pagtutulungan nilang idirek ng kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano. Ito ang ARISE, Gary V. 3.0 na magaganap ng dalawang gabi, April 11 at 12, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. Pangako nga ng mag-ama ay maraming sorpresa ang anniversary concert, bukod pa sa mga bagong ideya na gustong ilagay ni Paolo sa show.
Kasama rin sa concert ang grupo ng apat na babae na mini-mentor ngayon ni Gary V., ang AKA Jam, na una niyang inalagaan sa X Factor at nang matapos ang palabas sa TV ay itinuluy-tuloy na ng Genesis Entertainment na pinamamahalaaan nila ng wife niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano ang pagma-manage.
Magiging special guest din sa unang gabi si Sarah Geronimo na sa second night ay mayro’n ng taping kaya hindi na pupuwede. Makakasama rin sa show ang nagbabalik-showbiz na si Tom Taus na isa nang sikat na disc jockey sa Los Angeles, California, USA, si Rico Blanco, at si Sam Concepcion na sinisiguro ni Paolo na marami pang ibibigay as a performer pero hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon.
Mga gustong mag-swimming ayaw muna sa dagat
Blessing in disguise ang pagkaka-dikya ni Anne Curtis dahil sa halip na magalit sa kanya ng 100 % ang mga tao sa sinasabing pambabastos niya’t pang-iismol sa boyfriend ng sister niyang si Jasmine Curtis Smith na si Sam Concepcion ay awa at simpatiya ang naramdaman ng mas nakakarami sa mga larawan niya na lumabas na namumula ang katawan dahil sa dikya.
Kung dati ay kinakati lang ang mga nadidikitan ng dikya at suka lang ang panlaban dito, aba, mukha namang pinuntirya talaga si Anne at binalak pa yatang patayin ng dikya na nakaengwentro niya! To think na lamang dagat ang ginagampanan niya bilang Dyesebel.
Ngayon, baka marami na ang iiwas sa dagat at baka makuntento na lamang sa mga ilog at swimming pool para gugulin ang tag-araw.
- Latest