Dra. Belo at Sen. Bong two weeks ang bonding sa Holy Land

Kahit nasa Jerusalem si Dr. Vicki Belo, hindi niya nakalimutan na batiin ng happy birthday ang kanyang unica hija na si Cristalle Belo Henares.

Nag-celebrate si Cristalle ng 31st birthday. Ang bongga na giant birthday card ang isa sa mga birthday gift na natanggap niya mula sa kanyang loving mother.

Makikita sa EDSA ang birthday card na may nakasulat na “Dear Cristalle, Happy birthday to the most wonderful daughter in the universe! I love you! - MOMMY”

Alam na ng madlang-bayan ang kaarawan ni Cristalle dahil sa birthday card na pansinin sa kahabaan ng EDSA.

May reaksiyon si Cristalle sa birthday surprise sa kanya ni Mama Vicki.

Ang sabi niya, “I’m grateful to have a mom that showers me with love and support every single day of my life in big and small ways. Every birthday is a celebration of me in this world sharing with you our love, laughter, friendship, and this amazingly strong bond we have as mother and daughter. I love you so so soooo much. Thank you for my biggest birthday card ever.”

Knowing Mama Vicki, tinawagan niya si Cristalle sa cell phone sa mismong kaarawan nito.

Nasa malayong lugar ang ina dahil magkakasama sila nina Hayden Kho, Jr., Sen. Bong Revilla, Jr., at Congresswoman Lani Mercado sa Holy Land trip.

By this time, baka magkasundo na sina Mama Vicki, Hayden, at Bong. Nagkaroon ng lamat ang friendship nina Mama Vicki at Bong dahil ito ang nag-imbestiga sa eskandalo na kinasangkutan ni Hayden noong 2009.

Likas na forgiving person si Bong. Wala siyang personal na galit kay Hayden at matagal na siyang nag-move on. Nasabi nga ni Bong sa mga reporter na kung ano ang nangyari noon kay Hayden ay naranasan din niya.

More than two weeks na magkasama sa Holy Land ang grupo nina Mama Vicki at Bong. I’m sure, may magandang resulta ang kanilang spiritual journey sa Holy Land.

Basil Valdez nag-mini-concert sa ina ni Rep. Alfred

Hindi ko na nahintay ang pagkanta ni Basil Valdez sa misa para kay Atty. Susana “Ching” Vargas noong Biyernes dahil wala pa siya nang dumating ako.

Nabalitaan ko na lang na parang nagkaroon si Basil ng mini-concert sa necrological services para sa pumanaw na nanay ni Congressman Alfred Vargas dahil kinanta niya ang halos lahat ng kanyang spiritual hit songs.

 Kabilang si Basil sa mga favorite singer ko. Gusto ko ang mga kanta niya na Ngayon at Kailanman, Lift Up Your Hands, at Hindi Kita Malilimutan.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkanta ni Basil ng Ngayon at Kailanman sa church wedding nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez sa Villa Escudero, Tiaong, Quezon.

Kitang-kita na napaluha si Rudy habang kinakanta ni Basil ang Ngayon at Kailanman. Tears of joy ang pagluha ni Rudy dahil ramdam na ramdam sa puso ang pag-awit ni Basil.

Sa tuwing naririnig ko sa radyo ang Ngayon at Kailanman, si Rudy ang naalaala ko dahil sa pag-iyak niya. Natural na hopeless romantic si Rudy.

Louise at Enzo magsasalita na

Today is Sunday kaya huwag ninyong kalilimutan na panoorin ang Startalk dahil ang mga hottest showbiz news ang ihahatid namin sa inyo.

May kuwento ang Startalk tungkol sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda, sa freak accident na nangyari kay Lance Raymundo, at sa necrological services para sa nanay ni Rep. Alfred Vargas na na-cremate na kahapon. Napapanood ang Startalk sa GMA 7 mula 4:00 p.m. hanggang 5:30 p.m.

Show comments