MANILA, Philippines - Kasali si Eloisa Matias sa press conference kahapon ni Gary Valenciano ng ARISE: Gary V 3.0.
Sino si Eloisa? Siya ang executive producer noon ng Sharon ni Sharon Cuneta na co-host noon si Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Si Eloisa rin ang ina ng dalawang anak ni Bistek.
Inusisa ng press si Eloisa tungkol sa napapabalitang relasyon ngayon kay Kris Aquino ng ama ng kanyang mga anak at hindi naman siya sigurado kung talagang lovey-dovey na nga ba sina Bistek at Kris.
May mga dialogue si Eloisa pero ang dialogue niya, “off the record†ang mga ’yon.
Ayaw magpa-quote ni Eloisa lalo na tungkol sa isa pang naging karelasyon ni Bistek na obvious na hindi niya kaibigan.
Sabi nga pala ni Eloisa, naging kaibigan niya ang lahat ng mga na-link sa ama ng kanyang mga anak.
Sila naman ni Kris ay hindi personal na magkakilala dahil hindi naman niya nakatrabaho ang Queen of all Media noong nasa ABS-CBN pa siya.
Anyway, si Eloisa ang production manager ng anniversary concert ni Gary at ang Manila Genesis naman ang producer.
Gary V. kabado pa rin pag may presscon kahit 30 years na sa industriya
Sa presscon ni Gary Valenciano kahapon, pinasalamatan niya ang press sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
Malaking bagay daw ang press sa 30th niya sa entertainment business.
Sinabi rin ni Gary na sa tagal niya sa showbiz, akala niya ay sanay na siya sa tuwing nagkakaroon siya ng presscon.
Pero every time na may pa-presscon siya, sobrang nai-excite pa rin siya.
Sa April 11 & 12 sa Smart Araneta Coliseum ang anniversary concert ni Gary.
Eddie Gutierrez inaabangan sa pagka-cool
Kahit marami ang nangungulit sa pamilya Gutierrez, ayaw nilang i-reveal kung kailan ang pilot telecast sa E! international channel ng kanilang reality TV show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Hindi sila allowed na sabihin kung kailan magsisimula ang six-part season one ng kanilang reality TV show dahil magkakaroon ng big announcement ang mga taga-E! tungkol doon.
Sobrang touched sina Annabelle Rama, Eddie, Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez sa sobrang gastos ng E! sa promotions ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipapalabas sa more than 20 Asian countries.
Hindi lang sa Pilipinas at Singapore sila pupunta para mag-promote. Iba’t ibang Asian countries ang pupuntahan nila, bago ipalabas at habang ipinalalabas ang kanilang reality TV show.
Marami nga pala ang gustong malaman kung pagdating sa kanilang show ay very cool pa rin si Tito Eddie?