Dingdong iisa ang pattern sa babae

Ewan ko kung ikalulugod ni Marian Rivera ang sinasabi ng marami na may pagkakahawig sila ni Antoinette Taus. Wala namang masama rito. Ibig sabihin lang na may tipo talagang hinahanap sa babae si Dingdong Dantes, at ‘yun ang tipo nila ng ex nito na nagbabalik-bayan.

Hindi ito dahilan para pagselosan niya ang ex ng aktor. Matagal na raw wala ‘yung episode nila ni Dingdong. Naka-move on na si Antoinette.

Aljur nabiktima rin lang

‘Yung isyu kina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes ay ayaw kong paniwalaan. Hindi si Aljur ang tipo na lolokohin ang girlfriend niya habang wala ito rito. In love na in love siya kay Kylie Padilla, hindi ba? I’m sure iniintriga lang sila bagaman at agad nang bumigay ang boyfriend ni Louise. Pero siya ba ang nag-instigate ng break up, hindi ba si Louise? Pero siguro naman not because of Aljur. Baka talagang hanggang dun na lang ang relasyon nila. After their recon­ciliation, mas na-realize nila na hindi talaga sila para sa isa’t isa.

Show comments