MANILA, Philppines – Nasa ospital ngayon ang TV host/actress na si Anne Curtis matapos madikitan ng dikya habang nasa shooting ng kanyang teleseryeng “Dyesebel" sa Batangas, Miyerkules ng gabi.
Binabantayan ngayon ng mga doktor sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang kalusugan ni Anne na nagtamo ng mga rashes.
Currently in St. Luke's so they can monitor my jellyfish sting/rash & most importantly the rhythm of my heart...
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) April 3, 2014
Ito ang unang pagkakataon na nadikitan ng jellyfish si Anne, ayon mismo sa kanya.
Been reading up on the box jellyfish and I'm lucky it wasn't fatal. This summer be careful when swimming in the ocean keep and eye out.
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) April 3, 2014
Dahil sa insidente ay nagbabala siya sa publiko na mag-ingat sa paglangoy sa dagat ngayong tag-init.
Nagpapasalamat din si Anne sa lahat ng mga nangumusta sa kalagayan at sa mga nagdasal para sa mabilis niyang paggaling.
Morning everyone. Just read all your 'Get well soon' messages. Last night was my first time to be stung by a jellyfish, a box jellyfish
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) April 3, 2014
I can now sincerely say, lahat ng puyat, pawis, dugo at jellyfish bites makes it all worth it, dahil sa supporta binibigay nyo sa Dyesebel.
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) April 3, 2014