Sarah L. pinayagan na sa T V 5, GMA7 may welcome back party din
MANILA, Philippines - Unti-unti nang nagbabalik-GMA 7 si Sarah Lahbati.
Kung napanood siya noong Saturday sa Eat Bulaga (na under TAPE, Inc.), sa Linggo ay sa Sunday All Stars naman mapapanood ang girlfriend ni Richard GuÂtierrez.
According to Ms. Gigi Santiago, head ng GMA Artist Center at namamahala sa career ni Sarah, welcome back production number ang gagawin ng ‘nagbabalik-Kapuso’ actress.
Kakanta at sasayaw si Sarah.
Kinukuha raw maging regular sa Sunday All Stars si Sarah pero pag-uusapan pa ’yon.
Magiging busy din daw ang aktres sa taping ng movie made for television project ng TV5 kung saan makakasama niya si Alice Dixson.
“Maraming araw na kakainin ang project na ‘yon dahil bukod sa taping days ay may story conference, presscon, at iba pa,†say ni Gigi.
May gagawin ding pelikula si Sarah kasama ang Superstar na si Nora Aunor. Nag-enjoy ako sa panoÂnood ng Diary ng Panget nang magkaroon sila ng premiere night sa Trinoma, Quezon City (meÂron din sa SM Megamall sa Mandaluyong City) noong Martes ng gabi.
Cast ng Panget… hindi pilit ang pagpapatawa
Nakakaaliw ang pelikula at click talaga sa teenagers na nanood.
Actually, puwede sa buong pamilya ang pelikula at okay sa akin ang akting ng mga bidang sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras.
In fairness sa young stars, may dating ang apat na bida ng Diary ng Panget.
Hindi rin pilit ang pagpapatawa ng cast at napaarte talaga sila ni Direk Andoy Ranay.
Kahapon nga pala nagbukas sa mga sinehan ang Diary ng Panget at ayon sa reports, dalawang sinehan ng SM Fairview ang napuno kaagad sa first screening pa lang nila.
Shalala binagayan ng pelikula sa pagka-echosera
Bagay kay Shalala ang title ng movie niya na Echoserang Frog na showing na ngayon.
Sa tuwing nakikita ako ni Shalala, nagda-dialoÂgue siya na may pa-presscon ang movie niya at taÂÂtawagan ako ng manager niyang si Noel Ferrer para imbitahin.
Sa set din ng Showbiz Police ng TV5 kung saan ay sila ni MJ Malfori ang “sidekicks†ni Raymond Gutierrez ay sinasabi niyang iimbitahan ako sa premiere night ng pelikula.
Noong Lunes ang premiere night ng Echoserang Frog at wala akong natanggap na imbitasyon.
Aksidenteng nakita ko si Shalala sa Starbucks Imperial Palace at sinabi ko sa kanya pointblank na bagay na bagay sa kanya ang title ng kanyang pelikula dahil puro pang-e-echos lang ang dialogue niya sa akin na tatawagan ako ng manager niya paÂra sa presscon at premiere night ng kanyang launÂching movie.
Kahit echosera si Shalala, happy pa rin ako na may launching movie na siya dahil hindi naman echos lang ang pagiging mabait niya!
Nang makita ko nga pala si Shalala, kasama niya si John Nite at ito ang nagbalita sa akin na hindi nakasipot ang tito niyang si German Moreno sa premiere night ng Echoserang Frog.
- Latest