Showbiz couple hindi na naayos ang problema, nagkanya-kanya na

Nalungkot kami sa nalamang break na ang showbiz couple na ito. Hindi na pala nila naayos ang problema sa kanilang relasyon. Hindi na lang siguro nila aaminin lalo na sa kanilang fans dahil alam nilang malulungkot din ang mga ito.

Iniisip naming ang breakup ang rason kung bakit nawala ang pictures nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram (IG). Sa parte ng aktres, one or two pictures na lang yata ng aktor ang kanyang itinira at sa parte ng aktor, the last time we checked his account, wala na ang picture ng aktres.

Ang sabi sa amin, may bago nang nililigawan ang aktor at muntik nang mabanggit ang name ng girl ng isang kaibigan kundi lang nakapagpigil. Kung totoo, ang bilis naman nitong nakapag-move on o baka gusto lang palabasin at ipakita sa aktres na may nililigawan na siyang iba.

Hindi lang basta date, Louise at Aljur nag-check in pa sa resort

Wala pa ring nagsasalita kina Aljur Abre­­nica at Louise delos Reyes sa balitang nag-date sila sa Subic na naging dahilan daw nang breakup nina Louise at Enzo Pineda. Pati si Enzo, tahimik, pero may mga post sa Instagram ng mga quotations at ver­ses na may double meaning.

Anyway, may nakapagsabi lang sa amin na hindi lang nag-date sina Aljur at Louise, nag-check in pa raw ang da­la­wa sa isang resort pero hindi lang sila ang magkasama taliwas sa nabalita. Ka-join nilang mag-check in ang mga kaibigan nilang licensed di­vers dahil napagkasunduang mag­kita-kita at sa­bay-sabay mag-dive at magkumustahan.  

Inabot na ng gabi ang dalawa at sa halip na umu­wi, mi­nabuting magpalipas ng gabi sa Subic at matulog sa resort. Naging kaibigan nina Aljur at Louise ang mga diver mula nang gawin nila ang Kambal Sirena at ang grupo rin yatang ito ng divers ang kabilang sa nagturo kay Louise ng diving at swimming lessons.

Basta ang natatandaan namin, nang sabay naming makausap ang dalawang stars at biruin naming magkaka-debelopan sila, hindi nila kami kinontra at ngumiti pa.

Wala pa ring comment si Kylie Padilla sa tsismis sa dyowa niya at kay Louise. Nagtaka lang kami dahil ’yung pinoste niyang picture ni Aljur sa Instagram niya at may post siyang miss na miss niya ang boyfriend biglang deleted na. Nagtatanong tuloy ang fans nila ni Aljur kung break na silang dalawa.

Bianca gustong magkontrabida

Bukas na ang first day taping ng Niño, ang bagong primetime drama series ng GMA 7 at sa Pagsanjan, Laguna ang location ni Direk Maryo J. delos Reyes. Sina Miguel Tanfelix at David Remo ang title roler ng sinasabing heartwarming series, sila ang gaganap na Niño.

Gumanap nang young Dennis Trillo at young Richard Gutierrez si Miguel at ang dalawa at si Dingdong Dantes ang gustong sundan ang career path. Idolo niya rin si Pen Medina dahil kahit anong role ay mahusay na nagagampanan.

Ang Basang Sisiw ang last soap ni Bianca Umali na naging young Angelika dela Cruz at Rhian Ramos sa soap ng Channel 7. Gusto nitong subukang magkontrabida gaya nina Chynna Ortaleza at Maxene Magalona.

Rita at Direk FM magkasabay pinanonood ang magkalabang shows

Nakakatuwa ang mag-asawang sina Direk FM Reyes at Rita Avila dahil muntik magkatapat ang kani-kanilang soap. Umeere ang Moon of Desire ng ABS-CBN sa direksiyon ni FM ng 2:45 pm. at airing naman ng Innamorata na kasama si Rita ng 3:20 p.m. Ilang minuto lang ang diperensiya at muntik magsalpukan ang shows ng mag-asawa.

Tinanong namin si Rita kung hindi ba naging cause ng away nila ni Direk FM ang tungkol dito at natawa ang aktres. Wala raw silang competition ng asawa kahit magkatapat pa ang show nila at nagsusuportahan pa sila.

Kapag nasa bahay pareho ang dalawa ay magkasabay nilang pinapanood ang Moon of Desire at Innamorata.

Show comments