^

PSN Showbiz

Mga Pinoy tinamaan na naman ng Meteor fever

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buhay na buhay na naman ang Meteor Fever sa   pagtanggap  sa nagbabalik-telebisyong Meteor Garden sa ABS-CBN.

Unang pagsabak pa lang nito sa bagong Kapamilya Gold ay agad na itong pumalo sa national TV rating na 16.2%.

Pinakapinagusapan din ito ng netizens sa social networking site na Twitter matapos mag-number one trending topic worldwide ang patok na Asianovela. 

Maging si Barbie Xu, o gumanap sa papel ni Shan Cai, ay napa-tweet ng kanyang suporta sa pagbabalik ng Taiwanese series sa Philippine TV.

“Narinig ko na ipapalabas muli sa Pilipinas ang ‘Meteor Garden.’ Salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta! Sana mahalin niyo pa rin ito tulad ng pagmamahal na ibinigay niyo sampung taon na ang nakakalipas. Salamat at umaasa akong makita kayong muli!” sabi ni Barbie sa Twitter account niya na @itsbarbiexu.

Sinariwa ng netizens ang kanilang kabataan at mga karanasan noong sila ay nahuhumaling sa “Meteor Garden” noong 2003.

ASIANOVELA

BARBIE

BARBIE XU

BUHAY

KAPAMILYA GOLD

METEOR FEVER

METEOR GARDEN

NARINIG

PILIPINAS

SHAN CAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with