Kumpirmasyon na lamang ang hinihintay ng kanÂÂyang fans mula sa rumored sweethearts na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil hindi maikakaila sa mga photo na kuha sa recent birthday party ng Fil-Italian kung gaano ka-sweet ang dalawa.
Sa mga dumalo sa birthday party lahat ay makaÂpagsasabi kung gaano ka-in love sa isa’t isa ngayon ang dalawa na mukhang may basbas na sa mga magulang ni Sarah lalo na ang kanyang Mommy DiÂvine dahil kasama pa ito ni Sarah na dumalo sa kaarawan ni Matteo. O baka naman daw hanggang sa birthday party ng aktor ay binabakuran ni Mommy Divine ang kanyang dalaga.
Sarah is turning 26 this July at kung tutuusin ay sobrang nasa tamang edad na para magka-boyfriend at lumagay sa tahimik.
What is ironic here parang nagpalit lamang ng respective partners sina Sarah at Matteo dahil kina Gerald Anderson at Maja Salvador.
Matteo comes from a good family in Cebu at nakakapanghinayang naman kung ito’y pakakawalan pa ng Pop Princess.
Pip 33 years nang faithful sa asawa
Tirso Cruz III or Pip turned a year older but wiser yesterday, April 1. He turned 62. Pero dahil sa kanÂyang positibong pananaw sa buhay at pagiging masaya sa pamilya at karera, puwedeng mapagkaÂmalang in his late 40s lamang ang mister ni Lyn Ynchausti-Cruz at ama nina Bodie, Djanin, at TJ Cruz.
Malayo na nga ang narating ng pinaka-sikat na dating ka-love team ng Superstar na si Nora Aunor. Hindi lamang siya nag-mature as a person kundi lalo siyang naging mahusay sa kanyang craft bilang aktor kaya naman hindi siya nawawalan ng proyekto lalo na sa telebisyon.
Solido rin ang kanilang pagsasama ng kanyang misis na si Lyn sa loob ng 33 taon kasama ang kaÂnilang tatlong anak na pare-pareho na ring nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral. Magmula nang maging misis ni Pip si Lyn, ang huli na ang tumayong manager at schedule master ng kanyang mister.
Ang maganda pa sa mag-asawa, they have not only remained faithful sa isa’t isa kundi napakabait at napakaganda pa ng PR (public relations) skills nila kaya napakarami nilang kaibigan in and out of showbiz.
Daniel pinasalamatan ng tatay ni Kathryn
Isang white puppy ang regalo ni Daniel Padilla sa kanyang teen sweetheart na si Kathryn Bernardo nang mag-celebrate ang huli ng kanyang ika-18th birthday. Mahal na mahal ni Kathryn si Snow (pangalan ng puppy) at parati niya itong kinakagarga, hina-hug at hinahalikan.
Sa recent debut party ni Kathryn, pinasalamatan ng ama ng dalaga si Daniel sa pag-aalaga nito sa kanyang anak.
Although pinalalabas na mag-MU (as in mutual understanding) lamang ang kanilang relasyon, obvious na mas malalim pa sa MU ang relasyon ngayon ng dalawa.