^

PSN Showbiz

Mga beauty queen hindi kailangan ng talino, 10% lang sa criteria, pagsusulat ng libro ni Melanie Marquez hanggang press release lang

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Marami ang nag-discourage kay Mary Jean Lastimosa na sumali sa Bb. Pilipinas 2014 dahil nakadalawang beses na siyang contestant, noong 2011 at 2012.

Vindicated si Mary Jean dahil siya ang nanalo ng Miss Universe-Philippines crown.

SCENE: Hindi nasundan ni Nichole Marie Manalo ang yapak ng kanyang mga kapatid dahil semi-finalist lamang siya sa Bb. Pilipinas 2014.

Younger sister si Nichole nina 2009 Bb. Pilipinas-Universe Bianca Manalo at 2002 Bb. Pilipinas-World Katherine Anne Manalo.

SEEN: Nadismaya ang marami nang malaman nila ang criteria sa pagpili ng Bb. Pilipinas winners dahil 10% lamang ang intelligence.

Ang Bb. Pilipinas 2014 judge na si Senator Sonny Angara ang nag-post sa Instagram ng mga criteria na naging kontrobersiyal.

SEEN: Dinagsa ng fans ng Diary ng Panget ang red carpet premiere kagabi sa Trinoma Cinema at Megamall Cinema ng movie adaptation ng libro ni Denny aka Haveyouseenthatgurl?

SCENE: Umiyak si Shalala sa special screening ng Etchoserang Frog noong Lunes sa Fisher Mall Cinema sa Quezon City dahil sa pagdating ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ayaw nang magbida ni Shalala sa pelikula dahil natetensiyon siya.

SEEN: Umabot na sa Php410 million ang box-office gross ng Starting Over Again, ayon sa report ng Box Office Mojo International noong March 23.

SCENE: Nananatiling press release ang plano ni Melanie Marquez na mag-publish ng libro tungkol sa kanyang quotable quotes dahil hindi ito matuluy-tuloy.

Taong 2004 pa nang sabihin ni Melanie sa mga interbyu ang balak na maglabas ng sariling libro.

                                                     

vuukle comment

ANG BB

ANNE MANALO

BIANCA MANALO

BOX OFFICE MOJO INTERNATIONAL

DAHIL

ETCHOSERANG FROG

FISHER MALL CINEMA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with