MANILA, Philippines - Dahil kay Solenn Heussaff, co-producer na ang Regal Entertainment, Inc. ni Mrs. Lily Yu-Monteverde sa Da Possessed ng Star Cinema, Inc.
Exclusive contract star ng Regal si Solenn at walang naging problema sa pagsali niya sa Da Possessed bilang leading lady ni Vhong Navarro. Dahil sa pagpasok niya sa pelikulang ‘yon, pumasok din ang film outfit ni Mrs. Monteverde bilang co-producer ng pelikula.
Ganoon din ang istorya ng Pagpag na pinagbidahan nina Daniel Padilla, Katryn Bernardo, at Paulo Avelino.
Dahil contract star ng Regal si Paulo at gusto siya ng Star Cinema na isali sa pelikulang ‘yon, naging co-producer ng film outfit ng ABS-CBN ang Regal.
Speaking of Da Possessed, sayang at wala ang direktor ng pelikula, si Binibining Joyce Bernal, sa presscon ng pelikula noong Linggo.
Nasagot sanang mabuti ang akala ng iba na ipinatanggal ni Vhong sa Da Possessed ang dapat sana ay leading lady niya sa pelikulang ‘yon na si Ellen Adarna.
Si Direk Joyce kasi ang nagkuwentong kinaÂusap niya si Vhong kung komportable ba ang koÂmedyante na makaeksena si Ellen knowing na kaibigan ng sexy star ang businessman na si Cedric Lee, ang suspect sa pambubugbog sa isa sa hosts ng It’s Showtime.
Nabanggit ni Direk Joyce na sinabi sa kanya ni Vhong na hindi nga ito komportableng makaeksena si Ellen.
Natural, bida si Vhong sa Da Possessed at kung hindi siya komportable na makaeksena si Ellen, kailangan talagang palitan ang sexy star.
Anyway, mukhang mas may chemistry naman sina Vhong at Solenn, kaya mas magandang lumabas ang Da Possessed base sa trailer na ipinapanood.
Kasalukuyan pa nga palang nagsu-shooting ang pelikula, pero matatapos naman daw ang pelikula bago ang showing nila sa Sabado de Gloria.
Rafael hindi sanay sa tanong ng kabadingan
Hindi pala komportable sa mga malalaswang tanong si Rafael Rosell.
Sa taping ng The Borrowed Wife, inamin ng aktor sa mga bumisitang entertainment press na may ibang mga nagtatanong sa kanya nang kung anu-ano na ikinagugulat niya.
Samantala, may pagka-naïve pa rin pala itong si Rafael pagdating sa mga bading na nagkakagusto sa kanya.
Walang kamalay-malay si Rafael sa tsismis noon na may isang bading sa ABS-CBN na sobrang na-in love sa kanya.
Hindi raw siya magaling makiramdam sa mga ganoong bagay.
Samantala, speaking of The Borrowed Wife, narinig na ni Rafael ang tsikang baka maging hanggang 20 weeks ang aiÂring nila dahil sa magandang ratings ng afternoon series nila nina Camille Prats, Pauleen Luna, at TJ Trinidad.