Anne todo-birit sa coronation night ng Binibining Pilipinas

PIK: Inaliw ni Anne Curtis ang audience ng Binibining Pilipinas kamakalawa ng gabi.

Tuwing intermission ay humihirit siya ng kanta bilang patikim sa mga gagawin niya sa The Forbidden Concert: AnneKapal na gaganapin din sa Smart Araneta Coliseum sa May 16.

Talagang bumibirit ito ng kanta at ‘yung mala-opera niyang style sa pagkanta na talagang pinalakpakan nang husto ng mga tao.

Matagal daw kasi ang deliberation ng mga judges bago in-announce ang mga winners kaya habang naghihintay, todo ang pagkanta para ma-promote na rin siyempre ang nalalapit niyang concert.

PAK: Nadulas ang bibig ni Heart Evangelista na napag-usapan nila ni Sen. Chiz Escudero na beach wedding ang type nilang kasal.

Wala naman siyang sinasabi kung kailan, pero kung sakaling magpakasal sila, gusto raw nilang gawin ito sa Balesin na kung saan miyembro doon si Heart.

BOOM: Hindi itinatanggi ni Aiko Melendez na mas okay sila ngayon ni Jomari Yllana bilang magulang ng anak nilang si Andre.

Single siya, single rin si Jomari, kaya posibleng sila uli sa ending.

 â€œWala naman siyang sinasabi sa akin. Hindi pa niya ako sinabihang magkabalikan kami,” makahulugang pahayag ni Aiko nang humarap ito sa story conference ng first indie film niyang Asintado na entry ni Direk Louie Ignacio sa Cinemalaya.

Malaki raw ang nagawa nang pagiging Christian niya kaya hindi na siya naghahanap ng partner sa buhay.

Pero kung sakaling si Jomari ito uli, dapat na Christian din daw ito.

Iyun kasi ang gusto ni Aiko na kung sakaling magkaroon siya ng panibagong partner sa buhay, dapat na pareho raw silang relihiyon bilang Born-Again Christian.

 

Show comments