Usap-usapan pa rin ang pagdalo ni Sarah Geronimo kasama ang inang si Mommy Divine sa birthday party ni Matteo Guidicelli noong Biyernes. Marami ang nakasaksi sa pagiging sweet diumano nina Sarah at Matteo sa nasabing pagdiriwang. “Basta nag-enjoy lang kami nang gabing ‘yun. ‘Yung buong pamilya ko, special friends ko, at lahat-lahat. I just wanted her to have a good time. ‘Yun lang that’s it,†bungad ni Matteo.
Naipakilala na rin daw ng binata ang singer sa kanyang mga magulang. “When they saw her, they said she was very, very beautiful. They didn’t expect her to be like that so I’m happy they all liked her. And they feel she’s very, very beautiful,†kwento ni Matteo.
Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa ngayon? “I really don’t want to lie. I don’t want to say anything, that’s why I’m not denying anything. One day, I’ll just wait for someone to say it. I don’t think it has to come from me. Di ko alam eh. Tingnan natin, hindi ko po alam eh,†giit ng aktor.
Vice Ganda, gustong mambabae ang dyowa
Katatapos pa lamang magdiwang ng kaaÂrawan ni Vice Ganda. Ayon sa komedyante ay may mga panahon daw na nalulungkot talaga siya lalo na kapag mag-isa na lamang. “Bigla akong nalulungkot. Basta bigla na lang akong nalulungkot. Kung anu-ano ang naiisip ko. Tapos lagi kong tinatanong sa sarili ko, ‘Masaya ba ako? Masaya ba ‘to?’ Lagi na lang akong gano’n,†pagtatapat ni Vice.
“Lately kung totoo nga bang masaya ako, masaya ba talaga? Kasi sa Showtime laging masaya. Sa GGV (Gandang Gabi Vice), masaya. Pero pagtapos ng Showtime ‘yung ako na lang, masaya ba talaga? Masaya naman, pero ‘di ko alam, naguguluhan din ako,†dagdag pa niya.
Marami raw gustong gawin si Vice ngayon na hindi naman niya magawa. “Maisip po kasi akong tao talaga. Tapos tahimik lang ako talaga. Alam ng mga kaibigan ko ‘yan. Hindi ako maingay, hindi ako madaldal, hindi ako patawa. Lagi lang akong taga-pakinig nila. Kaya nga lagi akong nakakabuo ng material sa mga naririnig ko, sa mga kwento nilang lahat. Kasi ‘pag mag-isa na lang ako, diyan ako nag-iisip. Ang dami kong gustong gawin, kaya ako nalulungkot, may gusto ako na hindi ko magawa,†makahulugang pahayag ng komedyante.
“Sa pag-ibig, hindi naman settling down, ‘di ko naman nakikita ang sarili ko na magpapakasal, hindi. Kasi ‘yung dyowa ko mag-aasawa rin naman ‘yun for sure. Gusto ko mag-asawa siya, sinasabi ko sa kanya ‘pag nag-aaway kami, mang-babae ka nga. Gusto kong mag-asawa siya, feeling ko magiging masaya rin naman siya do’n,†kwento ni Vice.
“Feeling ko sa bandang ‘yun selfless ako, ‘Pag nakita ko na ah okay siya, ang saya niya doon, bahala na ako sa sarili ko, basta ikaw okay ka,†kwento ni Vice. Reports from JAMES C. CANTOS