^

PSN Showbiz

Louise tinatablan na sa kahuhubad ni Aljur?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pinagkatuwaan ng entertainment press si L­ouise delos Reyes nang sabihin nito na sa mga love scene nila ni Aljur Abrenica ay iniiwasan n­iyang tingnan ito. Mas nagko-concentrate na lang siya na ituon ang kanyang pansin sa katawan nito na aniya ay may mas magandang abs kaysa sa boyfriend niyang si Enzo Pineda.

“First time namin na magkatambal ni Aljur kaya siguro may mga adjustment kaming dapat gawin at p­ag-­aralan para hindi ako maapektuhan sa mga eksena na ginagawa namin, lalo na kung love scenes. Hindi pa nakakatulong ’yung palagi siyang halos nakahubad sa mga eksena,” pag-amin ng bagong sirena sa TV.

Natawa na lang si Aljur nang marinig ang sinabi niya at nagsabing napaka-dalagang Pilipina raw pala ng ka-partner niya. Pero siniguro niyang walang dapat ikaselos ang mga partner nila na sina Enzo at Kylie Padilla sa pagpapareha nila ni Louise at paggawa ng mga maiinit na eksena.

“Role lang ’yun na in time ay matututunan din ni Louise na tanggapin na bahagi ng kanyang trabaho. Siya pa na napaka-passionate sa kanyang ginagawa,” anang aktor na talagang pinangangalagaang mabuti ang kanyang physique dahil alam niyang mahalagang bahagi ito ng kanyang trabaho.

“Dito nakadepende kung anong role ang makukuha ko kaya dapat hindi ko pabayaan.”

Kathryn etsapuwera na sa second concert ni Daniel

May second major concert na pala sa Smart Araneta Coliseum si Daniel Padilla, Magaganap ito sa April 30. Mukhang mas maikli ang preparasyon niya ngayon kaysa nun dahil halos isang buwan na lang at sasabak na naman siya sa isang konsyerto pero first time marami siyang kasama. Andyan sina Rico Blanco, Khalil Ramos, Parking 5 band, at ang Reo Brothers. At mawawala pa ang paborito niyang ka-partner na si Kathryn Bernardo?

Mukhang mas komportable ngayon si Daniel sa kanyang second major concert siguro dahil napatunayan na niya na kaya niyang punuin ang isang napakalaking venue na tulad ng Smart Araneta. May tiwala na rin siya na makakaya niya ang mala-rock na tema ng kanyang konsiyerto na siya naman talaga niyang forte.

Tulad ni Anne Curtis, gusto lang ni Daniel na ma-enjoy ang mga manonood sa kanya. Wala naman siyang pretensiyon na Martin Nievera siya o Gary Valenciano.

“Pero ang sinisiguro ko ay bibigyan ko ang lahat ng manonood ng one hundred percent na fun. Uuwi sila ng masaya,” pangako niya.

Katulad nung unang concert niya, pumupunta si Daniel sa Smart Araneta para magbenta ng tiket para sa concert niya na pinamagatang Dos: The Daniel Padilla Birthday Concert. Kaya kayong nagbabalak mag-concert, take it from Daniel, kayo mismo ang umupo sa takilya para magbenta ng tiket n’yo! Siguradong kung mga 50% aandar ang ticket sales niyo. Kung kasing sikat kayo ni Daniel, ayun nagkakaubusan na ng tiket!

Mayor Bistek hindi kailangan ng gimik

Hindi lamang mga nakatatanda ang impressed sa ginagawang pag-aalaga ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang constituents kundi maging ’yung mga kabataan. Dahil maraming mahirap na mag-aaral sa kanyang lungsod na wala mang pagkakataon na makaranas ng Junior & Senior Prom, ayun siya mismo ang gumagawa ng paraan para maranasan nila ito.

Isang Grand JS Prom ang naganap sa QC Memorial Circle na dinaluhan ng mga mag-aaral ng lungsod sa mga public high school. Bukod sa isang masaganang hapunan, nagkaro’n pa ng isang masayang programa na tinampukan ng mga kilalang showbiz entertainer. Bago ito ay nakadalo na rin kami sa isang Valentine’s Day celebration sa isang lugar na kung saan ay may pabahay ang QC go­vernment na ipinagkakaloob sa mga informal settler sa halagang kaya nilang bayaran. Kaya hindi na kailangan ni Mayor Herbert ang mga gimik na tulad ng pakikipag-affair sa isang personalidad na tulad ni Kris Aquino para siya mapag-usapan bagama’t nang makausap namin siya ay hindi niya ito itinanggi o kinumpirma kaya.

Itinuturing ng mga taga-Quezon City na isang bayani si Mayor Herbert na gumagawa ng tulay para sa kinabukasan.

 

 

DANIEL

ISANG

KANYANG

MAYOR HERBERT

NIYA

SIYA

SMART ARANETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with