Kung puwede lang araw-araw: James sabik tuwing Biyernes kay Bimby

MANILA, Philippines - Sa press launch  ng PEP List 2013 Awards, inamin ni James Yap na ilang na ilang umano ang anak niyang si James “Bimby” Yap, Jr. nang magkita sila for the first time after five months na nangyari mismo sa kanyang ika-32nd birthday last Feb. 15 kung saan nakasama rin nito ang kanyang Kuya Joshua Aquino.

Hindi naman masisisi ni James ang anak dahil matagal silang hindi nagkita. It took a while bago muling napalapit ang bagets sa kanyang ama. Ang ginawa ni James, si Joshua muna ang kanyang isinakay sa kanyang scooter at saka lamang sumunod si Bimby.

Ayon kay James, napaka-memo­rable ng kanilang bonding moment nina Bimby at Joshua. Kahit hindi si James ang ama ni Joshua kundi si Phillip Salvador, naging malapit ito sa kanyang Tito James nung sila’y nagsasama pa bilang mag-asawa ng kanyang Mama Kris. Nagpasalamat naman si James sa kanya sa muli nitong pagpayag na makasama sina Bimby at Joshua.

Every Friday ay looking forward parati si James sa bonding moment nila ni Bimby.

“Kung puwede nga lamang, gusto kong makasama ang anak ko araw-araw,” bulalas nito.

Up to now ay hindi pa rin naipapakilala ni James ang kanyang Italian GF na si Michela Cazzola sa anak niyang si Bimby. Naghihintay lamang ang cager ng tamang panahon para ipakilala ang anak at ayaw niya itong biglain.

Show comments