Tatapusin lang ni TJ Trinidad ang taping ng The Borrowed Wife at ipapa-opera na ang dalawang tuhod na parehong may diperensiya. Magkaiba ang prosesong gagawin sa mga tuhod ng aktor, narinig naming may torn sa left knee niya at cartilage naman ang aayusin sa right knee.
Dahil sa problema sa mga tuhod, nag-back out si TJ sa pelikulang General Luna at nagpapasalamat na hindi apektado ang taping niya sa kanyang kondisyon. Pero kailangan ng ipa-opera para hindi na lumala.
Microfracture ang tawag sa operasyon na gagawin sa mga tuhod ni TJ, outpatient siya, pero two months ang healing period kaya kailangang tapusin muna niya ang taÂping ng soap para walang mabibiting trabaho.
Samantala, masaya si TJ na aabot sa 18 weeks ang The Borrowed Wife at posiÂbleng ma-extend for two weeks.