MANILA, Philippines - Babala sa mga magulang: ingatan ang inyong mga anak na dalaga.
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, kilalanin si Michelle Perez - isang ampon. Hindi man tunay na kadugo, hindi nagkulang ang mga kinalala niyang magulang sa pagmamahal sa kanya. Sa katunayan, sobra-sobra pa nga ang iÂbinibigay sa kanya ng mga ito. At dahil isang teenager, hindi naiwasan ni Michelle ang matuksong lumabis.
Sa isang out-of-town trip kasama ng mga kaibigan, mamomolestiya si Michelle. Bagay na hindi niya aaminin sa mga magulang, sa takot na siya ang masisisi dahil sa kanyang pagmamalabis.
Pero ang paglilihim rin na ito ang magtutulak sa kanya na humanap ng mga paraan para makalimot. Ito ang magdadala sa kanya sa maruming mundo ng bisyo…at ng mga ipinagbabawal na gamot.
Magiging takbuhan ni Michelle and drugs para sa lahat ng kanyang mga nagiging problema: ang pag-iwan sa kanya ng kanyang nobyo, ang pagtuklas niya sa tunay niyang ina, ultimo ang kanyang kawalan ng pera ang sinosolusyunan niya ng drugs—hanggang sa makilala niya si Allan. Ang lalaking makabubuntis sa kanya.
Iisipin ng mga umampon kay Michelle na dahil magiging ina na ito ay mababago na ang buhay ng kanilang anak. Pero maging si Allan ay lulong sa bisyo. At imbis na mapabuti ang buhay ni Michelle ay lalo pa itong mapapasama—lalo pa nang makilala niya ang tunay na ugali ni Allan.
Hanggang kailan magpapatali si Michelle sa mga kasalanan ng nakaraan? Magagawa pa ba niyang iahon ang sarili? Ano ang kailangan mangyari para matalikuran niya ang buhay na nakasanayan?
Itinatampok si Joyce Ching sa isang mapangahas na pagganap bilang Michelle.
Mula sa direksyon ni Gina Alajar at sa panulat ni Aloy Adlawan, alamin ang kuwento ni Michelle—at ang kanyang kinahantungan—ngayong Sabado sa Magpakailanman: Pakawalang Anghel: The Michelle Perez Story sa GMA 7.