MANILA, Philippines - Single working mom si aktres dahil hiwalay siya sa kanyang mister na aktor.
Kahit “dalaga†na uli si aktres at maganda pa rin siya, hindi ang pagkakaroon ng bagong love life ang kanyang priority.
Kahit okay lang sa mga anak niya ang magka-boyfriend siya, ayaw ni aktres at gusto na lang niyang asikasuhin ang kanyang mga anak.
Basta para sa mga anak niya, tutok si aktres.
Kamakailan, namroblema si aktres dahil naospital ang isa sa mga anak niya.
Apat na araw din sa ICU ang bata at dalawang linggong tumagal sa ospital.
Nagkaroon ng brain infection ang anak ni aktres at grabe ang gastos sa ospital pero hindi siya masyadong nagkukuwento ng tungkol doon.
Mabuti na lang at may regular TV show si aktres ngayon kaya malaking tulong ’yon sa hospital bills ng kanyang anak.
Annabelle tutok na tutok sa promo ng reality TV show sa int’l channel
Hindi ikinakaila ni Annabelle Rama na umaga pa lang ay nakatutok na siya sa E! channel sa Skycable 57.
Alam na alam ni Bisaya kung gaano kadalas ipalabas sa umaga sa E! channel ang promo materials ng kanilang reality TV show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Sa gabi, sa pag-uwi, tutok na naman si Bisaya sa E! channel para makita ang promo materials ng reality TV show ng kanyang pamilya.
Hindi nahihiya si Bisaya na sabihing isa lang siyang probinsiyana noon na ang tanging pangarap ay mapangasawa si Eddie Gutierrez (na kilalang matinee idol dati sa Sampaguita Pictures) kaya siya lumuwas ng Maynila.
Ngayon, hindi lang daw natupad ang kanyang pangarap na mapangasawa si Tito Eddie, magiging international star pa raw ang beauty niya sa pamamagitan ng It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil more than 20 Asian countries ang paglalabasan ng reality TV show ng kanilang pamilya.
Bukod sa Skycable 57, may E! channel din sa Cignal Cable at channel 25 doon samantalang channel 33 naman sa Cablelink.
Melanie nagbago na ang hitsura
Guest judge mamayang gabi sa Celebrity Dance Battle ng TV5 si Melanie Marquez.
Manonood ako ng Celebrity Dance Battle at tututukan kong mabuti sa TV kapag na-close-up shot si Melanie.
Gusto kong makita ang obserbasyon ng marami na parang may nabago sa mukha ng ating Miss International 1979.
Hindi kaya mukhang bata pa rin si Melanie dahil tunay siyang maalaga sa kanyang hitsura?
Well...