Daniel hindi pinipilit ni Kathryn na magpalit ng relihiyon!

Magkaiba ang relihiyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernando, saradong katoliko si Daniel at Iglesia ni Cristo naman si Kathryn.  But as much as possible ay ayaw nilang gawing isyu ang kanilang magkaibang relihiyon sa kanilang espesyal na relasyon. Hindi rin gagawin ni Kathryn na i-pressure si Daniel na magpa-convert sa pagiging Iglesia ni Cristo kung gusto nito na maging sila.

Walang alinlangan na ang love team nina Daniel at Kathryn ang pinakamainit ngayon. Although matagal na nilang inamin ang pagkakaroon nila ng mutual understanding, ayaw pa rin nilang aminin ang kanilang pagiging mag-nobyo kahit ngayong 18 at debutante na si Kathryn.

Anak ni Niño Muhlach namana ang kanyang kabibuhan

Ang tinaguriang child wonder at superstar noong late ’70s na si Niño Muhlach ay two and a half years old lamang nang ma-discover ng TV host-actor na si Ariel Ureta. As early as then ay kinakitaan na si Niño sa pagiging bibo. Binigyan ni Ariel ng regular exposure noon si Niño sa kanyang regular TV show hanggang mag-desisyon ang ama ni Niño na si Alex Muhlach na itatag ang D’Wonder Films production na siyang nag-produce ng karamihan sa kanyang mga early blockbuster hits at nagpatatag sa anak niya bilang child superstar in the early ’70s.

Ngayon, at 42 years old, still an actor, producer, director, and a fa­mily man, marami  nang pinagdaanan ang da­ting child superstar na matagal nang hiwalay sa kanyang misis na si Edith Millare kung kanino siya may isang anak, si Sandro (A­lessandro Martinno), now 12 years old. Although hindi pa annulled ang kanilang kasal, ang dating mag-asawa ay may kanya-kanya na ring bagong partner ngayon. Si Niño ay may Abby Tupaz at anak nila ang future child superstar na si Alonzo Andretti Muhlach now four years old.

Sa recent birthday ni Alonzo na ginanap sa grounds ng MOWELFUND, ipinamalas ng bata ang kanyang pagiging bibo at pagiging carbon copy ng amang si Niño when he was his age. At four, sanay sa tao si Alonzo at maraming antics na alam tulad ng ama nung kapanahunan nito.

Last Thursday night, ginawang playground din ni Alonzo ang Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City at hindi rin itong nahiyang pasukin ang Tatami Room (private room) na may isang buong mag-anak ang nagdi-dinner. Tuwang-tuwa ang mga guest ng Tatami Room ng Toki dahil na-entertain sila ng husto ni Alonzo.

Show comments