’Buti na lang si Maja Salvador, hindi na muna nagri-react sa mga sinasabing pag-ayaw sa kanya ng pamilya ng boyfriend niya. Sa halip ay pinagbubuti na lang nito ang sarili para hindi maaksaya ang panahon.
Kung sakali mang hindi magtagumpay ang relasyon nila, may maganda namang kahihinatnan ang career niya. At hindi naman si Gerald Anderson ang may ayaw sa kanya. So, what is there to worry about?
Mga sinaunang foreigner singer nagiging paborito ang ‘Pinas
Aba, mukhang nagiging paborito tayong puntahan ng mga foreign entertainer na sumikat nung unang kapanahunan, gaya nina Lionel Ritchie ng Hello at All Night Long fame at ng soloista ng Spandau Ballet na si Tony Hadley na nagpasikat ng Gold.