MANILA, Philippines - Napakaseksi at napakaganda naman talaga ni Marian Rivera kaya’t kabi-kabila ang kumukuha sa kanya para mag-endorso ng mga produkto. Bukod sa successful ang kanyang ongoing teleserye na Carmela, napili na naman siyang sexiest woman ng isang men’s magazine ngayong taon. Tuwang-tuwa na ikinuwento ng aktres na mas marami ang nagpa-autograph ngayon kaysa last year sa kanya sa ginanap na autograph-signing ng men’s magazine kamakailan.
Hindi naman inakala ng aktres na sisikat siya at aabot sa ganito ang career. Sa presscon naman para sa pinakabago nÂiyang iniendorsong herbal slimming tea, inamin ni Marian na hindi siya naghangad ng sobÂrang kasikatan noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Sobrang saya niya raw ngayon dahil sa booming ang kanyang career, bukod pa na mayroon siyang very supportive na family at nakatapos na sa kinuhang kurso ang kanyang pinakamamahal na si Dingdong Dantes. Wala na raw siyang mahihiling pa.
Ayon kay Marian, mag-i-MA (master of arts) pa raw si Dong na siya namang susuportahan niya.
Nang tanungin naman ng press people kung ano ang graduation gift niya kay Dong, ang sambit lang ng aktres ay “love at kiss†sabay pabirong sinabi na ito ang sikreto ng kanyang lalong bumabatang hitsura at kagandahan.
Sa pang-uusisa kung ano ang masasabi niya sa katatapos na kasal ng ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle sa boyfriend nitong si Yael Yuzon, sinabi ng aktres na masaya siya para sa singer-actress. Nang tanungin naman kung kailan balak magpakasal nilang dalawa, ang tanging bulalas lang ng aktres ay “not so near yet not so far.†Masaya raw siya sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon at hindi pa siya ready to settle down dahil sa rami ng trabaho.
Proud ngayon na inendorso ni Marian ang Biofitea dahil effective raw ito nang masubukan niya. Gusto rin niyang ipalaganap lalo na sa mga kababaihan ang produktong Biofitea na may magandang epekto dahil isang beses sa isang araw lang daw ang side effect — ilalabas mo lahat ng unwanted na dumi sa tiyan. ProÂven na healthy daw ang herbal slimming tea dahil gawa ito sa Senna Herbs. IÂniengganyo ni MaÂrian na subukan ito ng mga kababaihan para makatulong sa flat na tiyan at ma-boost ang self-confidence ng mga Pinay.
Siyempre bukod sa pag-inom ng mga kung anu-anong herbal slimming tea, sinabi ni Marian na dapat ay may disiplina rin sa pagkain. Pero hindi pihikan sa pagkain ang aktres at mahilig daw siyang kumain. Nang tanungin kung ano ang sikreto niya sa seksing katawan, ibinunyag niya na hindi siya mahilig mag-gym. Basta raw dapat may kontrol sa rami ng kinakain, kumbaga patikim-tikim lang. Hindi nga naman dapat i-deprive ang sarili sa pagkain ng masasarap!
Isa sa mga paboritong kainin ni Marian ay ang tsokolate, ito raw ang hinding-hindi niya kayang mawala sa diet niya. Kaya sa nalalapit na Semana Santa, ang hindi pagkain ng tsokolate ang puwede niyang isakripisyo. Mabuti pa si Marian na kahit mahilig kumain ng chocolates, sexy pa rin!