PIK: Ang sweet ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa suportang ibinigay nila sa isa’t isa.
May sakit pa si Judy Ann nung nag-taping ito para sa Bet on Your Baby kaya nagpadala doon sa studio si Ryan ng flowers para sa asawa niya.
Ipinoste ni Juday sa Instagram account niya na nagpapasalamat kay Picture! Picture! host.
PAK: Nakaw-eksena ang pagkikita ng dating magkasintahang Heart EÂvangelista at Daniel Matsunaga sa event ng Cream Silk kamakailan lang.
Nagkabatian sila at sabi naman ni Heart, okay sila ni Daniel at wala silang problema.
Sabi ni Daniel, ilang beses na raw silang nagkita at nagkita rin daw sila ni Sen. Chiz Escudero na napakabait daw sa kanya.
Si Sen. Chiz pa raw mismo ang nagpa-invite kay Daniel at sa kapatid nitong si Vanessa Matsunaga sa nalalapit na solo exhibit ni Heart ng mga painting niya, ang I Love Marie na gaganapin sa Ayala Museum sa May 8 hanggang 21.
Kung happy si Heart sa love life niya, si Daniel naman ay nanatiling single at hindi raw totoo ang mga nali-link sa kanya lalo na kay Kris Aquino.
Hindi sinagot ni Daniel ang tanong kung may balak ba itong ligawan si Kris.
BOOM: Totoo kayang ma-extend ng eight weeks ang Rhodora X ng GMA 7?
Dati ay napabalitang ma-cut short itong GMA Telebabad ni Jennylyn Mercado pero dahil sa magandang feedbacks nito at consistent na natatalo sa ratings ang katapat na drama series, mai-extend na raw ito.
Wala pang kumpirmasyon ito mula sa GMA 7 at hindi rin alam ni Jennylyn at ng buong cast.
Pinag-iigi lang ni Jennylyn ang ginagawa niya sa Rhodora X kahit hirap na hirap siya rito dahil sa paiba-ibang atake niya sa bawat role na ginagampanan.
Marami lang ang nagtataka bakit bibihira lang mapanood si Mark Anthony Fernandez. Totoo bang nagkakaproblema na naman sa kanya?