‘Kailan ba naging isyu ang relihiyon?’ – Daniel Padilla

MANILA, Philippines – Hindi pa masagot ni Kapamilya superstar Daniel Padilla kung handa siyang magpalit ng relihiyon para sa kanyang ka-loveteam at nililigawang si Kathryn Bernardo.

Sinabi ni Daniel na sa ngayon ay hindi siya makapagdesisyon at ipauubaya na lamang niya ito sa mangyayari sa “future.”

“Sa future na lang po natin [malalaman ‘yan]. Tignan na lang po natin kung anong mangyayari sa future,” sagot niya. “Hindi pa po ako makakapag-decide ngayon.”

"Kailan naging issue ang relihiyon? Hindi issue ‘yon. Ano lang ‘yan, hindi tayo puwede magdesisyon ngayon.”

Isang katoliko si Daniel, habang miyembro naman ng Iglesia Ni Cristo si Kathryn.

Noong Marso 18 sa isang panayam sa telebisyon ay sinabi ni Kathryn na kahit malaking bagay ang relihiyon, kung mahal niya ang isang tao ay tatanggapin niya ito kahit maging ano pa man ang pinaniniwalaan nito.

“Religion, malaking factor siya para sa ating lahat,” komento ni Kathryn sa panayam niya sa “TV Patrol.” “Pero for me pagmahal mo naman ang isang tao, tatanggapin mo kung ano na ang tao na 'yon.

Samantala, walang balak tumigil sa panliligaw si Daniel hanggang sa makuha niya ang matamis na “OO” ni Kathryn.

 â€œMatagal na po ako nanliligaw kay Kathryn, e, tatapusin ko pa ba ngayon?” banggit niya.

“Ayoko nang minamadali ang mga bagay, kasi kapag minamadali ang mga bagay maraming mga hindi magandang nangyayari.”

Show comments