MANILA, Philippines - Aminado ang bar topnotcher na si Nielson Pangan na nais niyang maging Chief Justice balang araw. “Tingin ko, pangarap naman po ‘yan ng halos lahat ng abogado,†saad niya sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Mar 27).
Lubos ang kasiyahan ni Pangan nang manguna siya sa listahan ng topnotchers lalo pa’t hindi raw niya inasahan na papasa siya sa 2013 Bar Examination.
Malaking karangalan din ang binigay ni Pangan sa pinagtapusan niyang unibersidad na University of the Philippines (UP) College of Law dahil matapos ang walong taon simula noong 2005 ay muling pinangunahan ng isang UP graduate ang bar exam.
“Hamon po ito sa amin kung paano namin mapapakita sa pagtatrabaho namin at sa pagtulong sa bayan kung ano ‘yong natutunan namin sa UP College of Law,†sabi ni Pangan.
Hindi naman naiiba kay Pangan ang tuwang tinatamasa ngaÂyon ng UAAP Season 76 Women’s Volleyball most valuable player (MVP) na si Alyssa Valdez. Sa kauna-unahang pagkakaÂtaon kasi ay naging kampeyon ang Ateneo De Manila University Lady Eagles sa UAAP volleyball matapos daigin ang De La Salle University Lady Spikers.
“Makalipas ang 30 taon, hindi namin inaasahan ‘yong pagkapanalo. Pagkakuha namin ng trophy, sobrang malaking karangalan ang naramdaman namin. Proud din ‘yong university at ‘yong buong school community sa na-achieve ng women’s volleyball team,†sabi ni Valdez.
Tunghayan ang panayam ni Anthony Taberna kina Pangan at Valdez na tatalakay sa kwento ng pagsubok, tagumpay, at insÂpirasyon.