Mabuti naman at nalalapit na ang pag-uwi ni Kylie Padilla mula sa kanyang bakasyon from Australia. MakaÂklaro na niya ang isyu na naglalagay ng malaking gap sa boyfriend niyang si Aljur Abrenica at sa nakapareha niya sa huli niyang serye na si Geoff Eigenmann.
Balitang ang ginawa niyang pagsusumbong sa nobÂÂyo niya sa inaakala niyang pagporma sa kanya ng kapaÂreha niya ang naging dahilan para mag-away ang daÂlawa. Hindi naman ako makapaniwala na gagawa ng kuwento si Kylie para lamang mapag-away ang dalawa.
Hindi naman kaya naging over concerned si Geoff na napagkamalan lamang ni Kylie? Malalaman natin pag-uwi ni Kylie.
Kris Lawrence nagsalita na sa pagbubuntis uli ni Katrina
Sabi ni Kris Lawrence, not true na buntis uli si Katrina Halili. Kung sakali man na gusto nilang sundan ang panganay nila, baka next year, but not now na may nakatakdang serye si Katrina sa GMA 7.
Siguro kung nagpaplano na sila ng kanilang second child dapat sigurong mas unahin nila ang kanilang pagpapakasal.
Kadete na may pinagdadaanan puwede sa showbiz
Kung totoong may tipo si Aldrin Cudia, ang kadete na hindi pina-graduate sa military academy, then, by all means, hikayatin n’yong mag-artista na lang para makalimutan niya ang traumatic experience na pinagdaraanan niya ngayon.
Baka nga makatulong ang showbiz para gumaan ang pakiramdam niya ngayon.