^

PSN Showbiz

Juday at Karylle binalikan ng mga tatay ng mag-asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Judy Ann Santos sa wedding nila several years ago ng mister niya nga­yong si Ryan Agoncillo dahil ang isa sa nagpasay­a sa kanya ay buo ang kanyang pamilya dahil duma­lo sa wedding nila ni Ryan ang ama ni Juday na naka-base sa Amerika. Kahit matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang at hindi in good terms ang kanyang estranged parents, malaking bagay na sa misis ni Ryan ang makita ang kanyang mga magulang na magkasama sa pinakamaha­lagang okasyon ng kanyang buhay. Ga­nito rin halos ang pakiramdam ni Karylle Tatlonghari sa wedding nila ni Yael Yuzon last March 21 na gina­nap sa St. Antonio de Padua sa Tagaytay City dahil sa loob ng maraming taon nagkasama uli ang kanyang estranged parents na sina Dr. Modesto Tatlonghari at Zsa Zsa Padilla.

Nakakatuwang tingnan ang ganitong mga pagkakataon na kahit hiwalay ang mga magulang ay pansamantala itong nabubuo kapag mahahalagang okasyon ang nagaganap tulad ng kasal, birthdays, or graduations kung saan malaking bahagi ang presence ng mga magulang.

 

‘Proud mama’

Eksaktong anim na taon na ang nakakaraan nang grumadweyt sa high school sa St. Paul’s College – Pasig ang anak kong si Aila Marie Amoyo Reyes. That was March 2008. Right after matanggap niya ang kanyang high school diploma ay agad ko itong ipinadala sa Japan dahil kakailanganin ito sa kan­yang pag-a-apply ng student visa. Tuwing first week of April ang opening ng school year sa Japan kaya na-delay si Aila ng dating sa Japan by more than one month. Nakaalis lamang siya ng May 9, 2008 patu­ngong Tokyo, Japan. First day niya sa kanyang klase ng May 12 at behind na siya ng mahigit isang buwan sa kanyang mga ka­klase na nagsimula nung unang linggo ng Abril. At that time, Aila was only 15 going 16 years old at first time niyang mamirmihan sa isang banyagang lu­gar na mag-isa na hindi marunong magsalita ng salitang Hapon, hindi nakakabasa at nakakapagsulat ng Kanji at wa­lang alam na lugar. That was the biggest challenge kay Aila. It was not easy pero ito’y na­ka­yanan ni Aila. In 2010 nagtapos siya ng kanyang two-year course in Ja­panese Language and Culture with flying colors. Before her graduation, kumuha siya ng entrance exam sa Waseda University in Tokyo at Kwansei Ga­kuin University in Nishinomiya City (Kansai area). Naunang lumabas ang result ng Kwansei Gakuin University at kailangan niyang magpa-reserve kaagad para hindi mawala ang kanyang slot.  One week later, luma­bas ang resulta ng Waseda at pumasa siya.  Ang siste, nakapagbigay na siya ng kanyang tuition fee sa Kwansei Gakuin University kaya ni-let go na niya ang kanyang pangarap na makapag-aral sa Waseda University.

The adjustment was not easy but she made it. Four years later, grumadweyt si Aila ng double degree in Business Management and International Studies last March 18 sa Kwansei Gakuin University.

Sa kanyang six-year journey sa Japan, marami siyang natutunan at na-achieve – awards, school re­cognition, friends, discipline, Japanese culture, at iba pa.

Today, March 26, babalik ng Tokyo si Aila kung saan niya haharapin ang panibagong challenge ng kanyang buhay, ang trabaho.  On April 1, magsisimula nang mag-work full time si Aila sa isang isang multi-national company with overseas operations sa Tokyo, Japan.

Bilang isang magulang, tanggap ko na rin ang katotohanan na sa Japan na mamimirmihan ang kaisa-isa kong jewel – si Aila Marie Amoyo Reyes.

AILA

AILA MARIE AMOYO REYES

BUSINESS MANAGEMENT AND INTERNATIONAL STUDIES

DR. MODESTO TATLONGHARI

JAPAN

KANYANG

KWANSEI GAKUIN UNIVERSITY

SHY

WASEDA UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with