MH370 parang teleserye ang nangyari
Sinubaybayan ko na parang teleserye ang paghahanap sa Malaysian Airlines flight kaya ikinalungkot ko ang statement ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na nagwakas ang lahat sa Southern Indian Ocean.
Bago umalis ng bahay, araw-araw akong nakatutok sa CNN dahil inaabangan ko ang mga latest news sa pagÂhahanap sa eroplano na parang bula na nawala. Hangga’t hindi nakikita ang eroplano, kabilang ako sa umasa na buhay at nakaligtas sa plane crash ang 239 passengers ng MAS flight MH370.
Gumuho ang lahat ng pag-asa noong Lunes ng gabi dahil sa presscon na ipinatawag ni Razak at ang kumpirmasyon nito na walang nakaligtas sa mga pasahero.
Hinahanap pa sa pusod ng Southern Indian Ocean ang mga debris ng eroplano pero hindi pa tapos ang imbestigasyon. Ewan ko lang kung masasagot pa ang tanong ng lahat na paano nakarating sa Southern Indian Ocean ang eroplano at sino ang may kagagawan sa paglihis ng ruta.
Kung namatay ang lahat ng pasahero, maÂnanatiling haka-haka ang mga naririnig at nababasa natin na kuwento tungkol sa tunay na dahilan ng kahina-hinala na pagkawala ng MAS flight MH370.
Bale ba, kapapanood ko pa lang ng Non-Stop nang mawala ang MAS flight MH370. Ang Non-Stop ang action movie ni Liam Neeson na nangyari sa loob ng lumilipad na eroplano ang kuwento.
Ang feeling ko tuloy, baka nangyari sa MAS flight MH370 ang mga eksena ng Non-Stop.
Huwag tayong magtaka kung magkaroon uli ng pelikula na inspired sa naganap sa MAS flight MH370 ang kuwento dahil sa mga movie producer na mahilig i-exploit ang mga tunay na pangyayari.
BB personal trainer ni Mariel
Ang pagiging personal trainer ang bagong career ni BB Gandanghari at isa sa mga estudyante niya ang kanyang hipag na si Mariel Rodriguez.
May karapatan si BB na maging personal trainer dahil kitang-kita sa kanyang katawan na physically fit siya. Hindi lang ako sure kung one-on-one ang pagtuturo ni BB sa kanyang mga estudyante.
Golden girl na si BB sa susunod na taon pero dahil mahilig siya na mag-exercise, bagets na bagets pa ang kanyang very lean at pang-supermodel na katawan.
Nangyari kay Lance malaki ang naging aral
Nakakapanindig-balahibo ang nangyari sa singer/actor na si Lance Raymundo na nadurog ang ilong dahil sa 80-pound barbell na bumagsak sa kanyang mukha habang nag-e-exercise sa gym.
Aral sa lahat ang nangyari kay Lance na walang kasalanan dahil ang personal trainer niya ang nagkamali.
Pero aksidente ang nangyari kaya walang dapat sisihin. Mas mahalaga na nakaligtas si Lance at may aral na natutunan sa karanasan niya.
Ricky makikipagtsikahan sa cast ng Amazing Spiderman
Pupunta sa Singapore si Ricky Lo sa Huwebes dahil may interview siya kay Andrew Garfield at sa cast ng The Amazing Spiderman 2 na showing sa mga sinehan sa May 2.
Ipalalabas sa Startalk sa Linggo ang interview ni Papa Ricky kay Andrew kaya ito ang dapat abangan ng Spiderman fans. Co-stars ni Andrew sa The AmaÂzing Spiderman 2 sina Emma Stone at Jamie Foxx.
Aktor nakakaumay na ang acting
Hindi ko na pinapanood ang TV show ng isang aktor dahil may sawa factor siya. Pare-pareho ang kanyang mga facial expression at ang kuwento ng kanyang mga programa.
Para hindi siya pagsawaan ng fans, ang magpahinga muna ang aktor pagkatapos ng TV show niya ang payo ko. I-reinvent niya ang sarili para mawala ang sawa factor sa kanya. Kung gusto niya na tumagal sa industriya, huwag niyang sagarin ang kanyang suwerte.
- Latest