Nagkaroon man daw ng hindi pagkakaunawaan ang magkaibigan at magkasama sa bandang Pupil na sina Ely Buendia at Yan Yuzon kamakailan, hindi raw ito dapat palakihin ng mga nakakarinig. Magkasundo pa rin ang dalawa at nananatiling magkaibigan.
“Professional differences†lang daw ang namagitan sa dalawa kaugnay sa isang eksena sa pelikulang Bang Bang Alley kung saan ang dalawa ay parehong ipinapakilala bilang direktor sa unang pagkakataon. Magkaiba raw ang pananaw ng dalawa sa huling eksena sa episode na Aso’t Pusa’t Daga na dinidirihe ni Yan.
Gusto raw ni Yan na tanggalin ang eksenang may putok ng baril sa bandang huli. Hindi sumang-ayon si Ely dahil sa tingin niya ay mas may impact ang putok ng baril bilang ending ng naturang episode. Bida sina Joel Torre, Art Acuna, Bela Padilla, at Yan Yuzon sa episode na ito.
Si Ely ay tumatayong producer din ng pelikula kasama ang Curve Entertainment. Mayroon din siyang cameo role sa kanyang episode na Pusakal na pinagbibidahan ni Megan Young at Perla Bautista.
Si King Palisoc, isang music video director, ay ipinapakilala din sa pelikulang Bang Bang Alley sa kanyang yugtong pinamagatang Makina. Si Gabe Mercado at Althea Vega ang bida sa episode na ito.
Sa April 9 ipapalabas ang Bang Bang Alley at Solar Films ang nagdi-distribute nito.
Mga anak ni Jackie lumambot nang malaman ang sakit ng kapatid
Bagama’t nakalulungkot ang naging karamdaman (leukemia) ng bunsong anak ni Jackie Forster, marami naman ang nagsasabing baka ito na ang maging dahilan upang muling magkaayos ang ina sa kanyang dalawang anak na sina Andre at Kobe Paras.
Dati kasi, madalas na may mga patutsada pa rin ang mga bata laban sa kanilang ina lalo na kapag may mga comments sa kanilang social networking sites. Subalit ngayon, tahimik lang ang magkapatid.
Sinabi pa ng aming source na nalulungkot si Andre nung mabalitaan ang katayuan ng kalusugan ng kapatid na babae. “Kahit naman sino ang magkaroon ng karamdaman, malulungkot ako. Ipagdadasal namin na sana gumaling siya,†ang sabi raw nito.