^

PSN Showbiz

Yaman at forbidden tower ni Chavit Singson ilalahad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala raw sa bokabularyo niya ang pagiging kuripot.  Hindi raw niya kasi madadala sa kabilang buhay ang kanyang yaman kaya ginagastos niya na ito. Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan si Kara David na libutin ang bahay at silipin ang marangyang pamumuhay ni dating Ilocos Sur Gover­nor Luis “Chavit” Singson.

Isang zoo ang pagmamay-ari ni Chavit sa Ilocos Sur—ang Baluarte. Bukas ito sa publiko pero may isang lugar dito na pribado. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipakikita niya ang kanyang bagong tahanan na kung tawagin ay Forbidden Tower.

Ginto ang kulay ng gusali at tanaw ang ganda ng Vigan sa bawat palapag. Sa loob nito makikita ang apat na pillars na pinalilibutan ng mother of pearls. Ang headboard ng kanyang kama ay gawa pa ng artist na si Michael Cacnio. Puro automatic ang gamit niya sa loob ng kanyang bahay mula sa ilaw hanggang sa mga kagamitan sa loob ng banyo. Kayang-kaya raw niya itong kontrolin kahit nasa ibang bansa pa siya.

Ilang personal na tanong din tungkol sa pulitika at pamilya ang sasagutin ni Chavit.  Ano ang masasabi niya sa mainit na isyu ng PDAF? Kamusta na nga ba ang kanyang relasyon sa dating Pangulong Erap? Ano na nga ba ang kalagayan ng kanyang anak na si Ronald Singson? Ano ang kanyang net worth? Saan galing ang kanyang yaman? 

Lahat ng ito at maraming pang isyu ang sasagutin nang diretsahan ni Chavit Singson ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 11:15pm pagkatapos ng Saksi.

 

ANO

CHAVIT

CHAVIT SINGSON

FORBIDDEN TOWER

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOVER

KANYANG

KARA DAVID

MICHAEL CACNIO

NGAYONG MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with