Taga-showbiz tuloy ang pagtsitsismis ng mali tungkol kay Marian

Nakakatawa man pero pagre-reakin pa rin namin si Marian Rivera sa tsikang nagbabayad siya para lang mag-cover sa FHM. Ang kuwento pa raw ng source na siguradung-sigurado sa facts niya, ‘pag na­ramdaman ng aktres na bumababa na ang popularity niya at hindi na siya pinag-uusapan ay lalapit siya sa FHM at magre-request na i-cover siya.

Hindi ba naman nakakaloka? Alam natin kung ilang taon niligawan ng Summit Media at editor ng sexy mag si Marian para mag-cover sa magazine, ’tapos palalabasing nagbabayad ito?

Nabanggit din ng taong mali ang facts na hintayin lang daw ni Marian na dumating si Antoinette Taus at iiwan na siya ni Dingdong Dantes. Paano ’yan at hanggang ngayon, very much on pa rin sina Ding­dong at Marian? And, in fact, present si Marian sa graduation ni Dingdong last Sunday sa West Negros University sa Bacolod City. Kasama si Marian ng parents ng boyfriend at ibang relatives.

Taga-showbiz ang nagpapakalat ng maling tsika at obvious na galit siya kay Marian dahil ang ending ng pakikipag-usap niya sa isang reporter ay “I hate her!” (si Marian).

Samantala, nagbubunga ang pa­god, puyat, at hirap ni Marian at bu­ong team ng Carmela dahil sa ra­tings ng AGB Metro Manila ay ito ang nangu­ngu­na sa primetime.  

Ely ayaw ilantad ang bagong girlfriend

Bawal yatang pag-usapan ang love life sa presscon ng Bang Bang Alley kaya walang nagtanong sa love life ni Ely Buendia, direktor ng Pusakal episode ng movie na showing sa April 9.

Pero nang binabasa namin ang press release ng movie, nabasa namin ang name ni Shawn Yao na nasa cast ng Aso’t Pusa’t Daga episode sa direction ni Yan Yuzon. Si Shawn ang nababasa naming bagong inspirasyon daw ni Ely kaya curious kami kung bakit hindi sa episode ni Ely siya lumabas. Ibig bang sabihin nito, hindi pa sila ready na ipaalam sa publiko ang relasyon nila?

Anyway, nabanggit ni Ely na dapat si Michael V. ang gaganap sa role na napunta kay Jimmy Santos sa prologue at final episode ng Bang Bang Alley na tungkol sa bodyguard na nasa karaoke bar at nakikinig sa kumakanta ng My Way. Hindi lang pumuwede si Michael V. dahil sa schedule kaya si Jimmy ang kinuha.

Sabi ni Ciso Tan ng Curve Entertainment at co-producer ng Nimbus Film Production, may premiere night ang Bang Bang Alley bago ang regular showing, marami sa press ang gustong mapanood ang movie na bukod kina Ely at Yan, direktor din si King Palisoc ng Makina episode. Ang Solar Films ni Wilson Tieng ang distributor ng indie movie.

Aktor umatras mag-audition nang makita ang direktor

Maitanong nga kay Direk Jay Altarejos ang tsikang may isang aktor na gustong mag-audition sa Cinemalaya Independent Film Festival pero nang mabasa ang pangalan ng direktor na isa sa mga naghahanap ng cast para sa Cinemalaya entry nitong Kasal, umatras ang aktor. Hindi na ito nag-audition at umuwi na lang.

Sayang ang chance na makagawa ng movie sa Cinemalaya ang aktor, bagay pa naman siya sa role ng Kasal na napunta sa brother ni Coco Martin na nakabuntis at ang kasal nito ang naging dahilan sa pagbubukas ng conflict ng movie na entry sa Director’s Showcase category.

Sa April 4 na sisimulan ni Direk Jay ang shooting ng Kasal sa Metro Manila, ang ibang eksena, sa Pila, Laguna ang location at seven days niya kukunan ang pelikula.

Tapos na ang taping niya ng drama series ng TV5 na Obsession at kinuha uli ng network for another project na ayaw pang sabihin.

Atom Araullo titig na titig sa aktres

Napansin ng press ang sobrang titig ni Atom Araullo sa isang aktres na first time yata niyang nakita sa awards night ng 5th Golden Screen TV Awards. Habang nasa stage ang aktres para sa kanyang acceptance speech, nakatingin sa kanya si Atom na hindi yata kumurap.

I’m sure marami pang “titig moment” ang ABS-CBN broadcaster sa aktres dahil malapit ang upuan nito sa stage. Si Atom ang isa sa tatlong co-hosts ni John Lapus sa awards night. Kasama niya sina Bela Padilla at Mr. Fu at pinasasalamatan silang apat ng bumubuo ng Entertainment Press o ENPRESS.

Show comments