^

PSN Showbiz

Ibang mga kandidata sa Bb. Pilipinas naglalakihan ang puson

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Naglalakihan ang mga puson ng ilang official candidates ng 2014 Binibining Pilipinas sa Road to the Crown, ang television special ng 2014 Bb. Pilipinas na napanood sa ABS-CBN noong Linggo ng gabi.

SCENE: Hindi lamang kamukha, kaboses din ni Kathryn Bernardo si Nadine Lustre, ang lead actress ng Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films. 

Pero mas singer si Nadine kesa kay Kathryn.

SEEN: Magkasundo na ang estranged couple na sina Zsa Zsa Padilla at Dr. Modesto Tatlonghari dahil sa kasal ng kanilang anak na si Karylle.

Nadiskubre na hindi maayos noon ang relasyon ni Zsa Zsa at ng ex-husband nito dahil sa kanyang Instagram post.

SCENE: Introducing sa Mirabella si Ryle Santiago, ang anak ni Sherilyn Reyes at ng kanyang ex-husband na si Junjun Santiago.

Schoolmate ni Julia Barretto ang role ni Ryle sa early primetime drama series ng ABS-CBN.

SEEN: Tumutulong si Lorna Tolentino sa promo ng Innamorata ng GMA 7 dahil kasama sa cast ang kanyang anak na si Rap Fernandez.

Ang kanyang Twitter account ang ginamit ni Lorna sa pagpo-promote sa Innamorata.

SCENE: Proud si Richard Gomez na sabihin na siya ang oldest member (48 years old) ng Philippine Volleyball Team na lalaban sa Asian Men’s Club Volleyball Championship mula April 8-16 sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Kasing liksi pa si Richard na kumilos ng kanyang team mates na 22 years old lang.

SEEN: Official candidate ng 2014 Bb. Pilipinas si Nichole Manalo, ang youngest sister ni 2009 Bb. Pilipinas-Universe turned actress Bianca Manalo.

SCENE: Ibang lalaki at hindi si Erik Santos ang napupusuan ni Angeline Quinto.

Ipinakita na ni Angeline kay Kris Aquino ang litrato ng non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya.

 

ANGELINE QUINTO

ASIAN MEN

BIANCA MANALO

BINIBINING PILIPINAS

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DR. MODESTO TATLONGHARI

ERIK SANTOS

INNAMORATA

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with