^

PSN Showbiz

Antoinette willing makatrabaho uli si Dingdong

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Naging special guest namin ni German “Kuya Germs” Moreno sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with Master Showman ang balikbayang singer-actress na si Antoinette Taus na naka-base na sa Los Angeles, California some 10 years ago. Napakaganda at napaka-sexy pa rin hanggang ngayon ni Antoinette at halos wala itong ipinagbago sa kanyang hitsura nang siya’y (pansamantalang) tumalikod sa local showbiz.

Ayon sa dating nobya ni Dingdong Dantes, she was in town for a vacation along with her brother Tom Taus nang makatanggap siya ng iba’t ibang TV guestings and singing engagements and was encouraged to give showbiz another try sa tulong ng kanyang bagong manager na si Gina Godinez, Martin Nievera’s half-sister.

Aminado si Antoinette na na-miss niya ang showbiz and her friends but she also has a different career in the US.

When asked kung willing ba siyang makatrabahong muli ang kanyang ex-boyfriend na si Dingdong, the answer is “yes.”

Ang hindi namin natanong kay Antoinette ay kung siya’y happily single o kung may bago na s­iyang inspirasyon ngayon.

Speaking of Antoinette, she will be reunited sa dati niyang mga kasamahan sa Ang TV na sina Lindsay Custodio, Roselle Nava, at Gio Alvarez sa The Singing Bee sa darating na March 27 at mapapanood naman siya sa Walang Tulugan with Master Showman on March 29.

Sen. Loren manggugulat sa indie film

Tinupad ni Sen. Loren Legarda ang kanyang pangako sa amin last year na ipagluluto niya ang kanyang mga kaibigang entertainment press sa kanilang ancestral home sa University Hills, Malabon City at ito’y nangyari over lunch last Saturday, March 22.

Napakarami nang inihandang pagkain at kakanin ni Sen. Loren. Bukod sa pagkain, nabusog din kami sa kuwentuhan. Napakaganda ng ancestral house nina Sen. Loren dahil na-preserve ito pati mga kagamitan at decors ng bahay. A big portion of the house was transformed into Sen. Loren’s Museum. Palibhasa’y advocate ng green environment, palibot ang kanilang bahay ng mga punong kahoy at maraming iba’t ibang tanim kaya napaka-presko at maaliwas ang paligid. Hitik din sa bunga ang isa sa mga puno ng star apple na sobrang tamis.

Speaking of Sen. Loren, tinanong namin ito kung ito’y tatakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2016 presidential elections ay mariin niya itong itinanggi dahil gusto niyang tapusin ang kanyang termino sa pagka-senador hanggang 2019.

Ibinalita rin sa amin ng senadora na gagawa umano sila ni Direk Brillante Mendoza ng feature film na may kinalaman sa bagyong Yolanda na nakatakdang isali sa iba’t ibang international film festivals. Tinanggap umano ni Direk Brillante ang proyekto ng libre.

Ayaw pang i-reveal ni Sen. Loren kung sino ang bubuo ng cast ng indie feature film pero sigurado raw na magugulat ang publiko.

Direk Soxy sumubok ng apat na kurso bago nauwi sa showbiz

Alam ba ninyo na sa apat na kursong pinasok ng writer-actor-comedian-production designer at director na  si Soxy Topacio ay wala siyang tinapos? Nag-aral siya sa U.P. ng chemical engineering, architecture, at mass communication pero sa tatlo ay hindi siya nakapagtapos. Undergraduate rin siya ng interior design sa Philippine Institute of Interior Design.

Hindi man siya nakapagtapos sa kanyang pag-aaral, natagpuan niya ang kanyang sarili sa mga bagay na gusto niyang gawin – writing, acting, directing, at production design.

ANTOINETTE TAUS

CELEBRITY TALK

DINGDONG DANTES

DIREK BRILLANTE

DIREK BRILLANTE MENDOZA

KANYANG

MASTER SHOWMAN

SIYA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with