Kahit nagbago at Christian na Bernard Palanca inaayawan ng pamilya Estrada?!
More than seven months na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Jerika Ejercito kaya nagkaroon na siya ng baby shower noong nakaraang linggo.
Dumalo sa baby shower ang mga kapatid at pamangkin ni Jerika sa father side at siyempre nasa tabi niya ang love of her life, ang aktor na si Bernard PaÂlanca na sumusumpa na kinalimutan na ang isang masamang bisyo mula nang maging Christian siya.
Magiging ama na si Bernard sa pangalawang pagkakataon dahil may anak siya kay MÂeryll Soriano.
Hindi ako sure kung annulled na ang kasal nina Bernard at Meryll dahil kung wala na itong bisa, puwede na niyang pakasalan si Jerika.
Maliit lang ang mundo na ginagalawan ng tatlo dahil si former San Juan Mayor City JV Ejercito ang nagkasal noon kina Bernard at Meryll. Si JV ang half-brother ni Jerika na anak ni Papa Joseph “Erap†Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.
Matagal nang huminto si Laarni sa pag-aartista at iniiwasan niya na magpainterbyu sa media. Nabigo ang mga reporter na makuha ang panig ni Laarni tungkol sa pakikipagrelasyon ni Jerika kay Bernard. May mga balita kasi na hindi pabor sina Laarni at Papa Erap sa love affair ng kanilang anak kay Bernard.
Eh in love na in love sa isa’t isa sina Bernard at Jerika. Very supportive girlfriend si Jerika dahil sinasamahan niya ang aktor sa mga TV guesting nito. HuÂling nakita si Jerika sa taping ng Mars ng GMA News TV dahil sa guesting ni Bernard na pumayag na magpainterbyu sa Startalk staff.
GMA newscasters feeling star na sa Walk of Fame
Kahapon ang inauguration ng Walk of Fame sa GMA Network Center compound. Hitsurang mainit ang panahon, nagtipun-tipon sa harap ng GMA 7 ang mga artista, newscaster, at news reporters ng Kapuso Network para sa unveiling ng Walk of Fame.
Thrilled na thrilled ang mga news reporter ng GMA 7 dahil may mga star din sila na makikita sa paÂligid ng GMA Network mula Timog Avenue, Quezon City hanggang EDSA.
Feeling star na rin ang mga newscaster dahil bahagi na rin sila ng kasaysayan kesehodang tinatapak-tapakan ng mga pedestrian ang kanilang mga bituin.
Megan Young nasa selyo na!
Naglabas ang Philippine Postal Corp. (PhilPost) ng mga selyo na litrato ni 2013 Miss World Megan Young ang nakalagay.
Mula nang maging palasak ang e-mail, naapektuhan ang PhilPost dahil kakaunti na lamang ang nagpapadala ng sulat sa pamamagitan ng koreo. May mga bagets nga na hindi alam ang kahulugan ng selyo at koreo dahil e-mail lang ang kilala nila.
Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng Miss World title kaya pinarangalan siya ng PhilPost sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang lÂitrato sa mga selyo. Malaking karangalan ito para kay Megan dahil bahagi na siya ng kasaysayan.
Mga produ ng indie film ni Megan dapat magpaalam sa MWO
May nakapagÂsabi sa akin na naÂririto sa Pilipinas si Megan Young dahil na-sight siya sa concert ni Bruno Mars sa The Arena ng Mall of Asia sa Pasay City noong Sabado.
Kung naririto sa bansa si Megan, puwedeng tumulong siya sa promo ng Bang Bang Alley, ang pelikula ng Curve Entertainment at Nimbus Film Production.
Kung beauty queen si Megan sa tunay na buhay, kriminal naman siya sa Bang Bang Alley.
Kailangan ng mga produ ng indie film na magpaalam sa Miss World Organization (MWO) kung gusto nila na mag-promote si Megan ng kanilang pelikula. Hindi basta nakakakilos si Megan ng walang permiso ng MWO dahil may kontrata siya na pinirmahan at hindi dapat labagin.
- Latest