Mga nanood sa concert ni Bruno Mars na-‘Locked out of heaven’

Bruno Mars

Kung nanood lang siguro si Vice President Jejomar Binay ng concert ng international superstar na si Bruno Mars last Saturday night sa Mall of Asia (MOA) Arena, malamang ang sasabihin niya sa Grammy award-winning singer-composer ay ‘cousin ko pala, kasin-kulay at kasin-tangkad.’ Pinoy na Pinoy kasi ang hitsura ng sikat na sikat na singer na anak ng isang Pinay na si Bernadette San Pedro Bayot na kamakailan lang ay sumakabilang buhay. 

Bahagi ng The Moonshine Jungle World Tour ni Bruno ang nasabing concert na major sponsor ang PLDT Home. Second time na niya ito sa bansa.

Ang ’Pinas ang pinaka-una sa kanyang Asia 2014 Tour. Pupuntahan din niya ang Indonesia, Singapore, Taiwan, China, South Korea, and Japan. Pagkatapos ay saka siya tutuloy sa United Kingdom.

Tumagal ang kanyang concert sa MOA Arena ng one hour and 20 minutes.

Nine-fifty na nag-umpisa ang concert. Na ikinatuwa ng maraming mga manonood dahil marami ngang na-late dahil sa matinding traffic sa buong Mall of Asia area sa rami ng sasakyan sa lugar dahil nagkataon namang last night ng Philippine International Pyro Musical Competition kaya talagang sumusuka ang mga parking ng MOA. Lahat full na. At marami na ring naka-park sa side streets at may ilang two-way na ginawang one-way kaya wala talagang maparadahan na lalong nagpasikip ng traffic. Ako lang, halos dalawang oras ako ikot nang ikot sa lugar bago naka-park sa mall.

Pero dahil hindi nga nag-umpisa ng 8:00 p.m., na nakalagay sa ticket, walang na-late. Na-umpisahan ng mga may hawak ng ticket ang concert na ang sabi ay umabot sa P20k ang presyo ng ticket sa VIP section. Jampacked ang Arena at walang nagreklamo kahit na late nag-umpisa maliban sa ilang senior citizens na katabi ko sa upuan. Hahaha!

Suot ang kanyang signature hat at vest, sulit ang paghihintay at hirap ng parking sa galing at energy ni Bruno Mars. Kinanta rin niya lahat ang mga sikat niyang kanta – heto ang set list niya - Moonshine, Natalie, Treasure, Money Make Her Smile, Billionaire, Show Me, Our First Time, Marry You, If I Knew, Runaway Baby, The Lazy Song, When I Was Your Man, Grenade, at Just the Way You Are. At ang encore: Drum solo, Locked Out of Heaven, and Gorilla.

At ang galing ding sumayaw/gumiling ni Bruno. Walang effort ’pag sumayaw. At lahat ng miyembro ng banda niya at ang back-up singer, lahat magagaling kaya naman ‘locked out of heaven’ ang mga nanood.

Nangako siya na babalik ng bansa para ulit para mag-concert.

Sold out ang The Moonshine Jungle World Tour last Saturday night at marami pang gustong bumili ng ticket. Meron nga roon isang foreigner na may dalang note na may nakasulat na ‘need tickets.’ Pero wala na talaga.

Bago ang concert ay nag-donate si Bruno ng $100,000 sa Yolanda victims. Personal niyang ibi­nigay ang donasyon sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya.

Ebidensiya raw laban sa katulong ni Claudine na pinalaya ni Gretchen, lumutang?!

May nag-tag sa Twitter account ko (@salveasis) – mula sa isang nagngangalang @tinyfinny: “eto ang babaeng tinulungan ni Greta makalaya kitang Kita naman Mga ninakaw,” sabi ng naturang Twitter account.

Ang title ng video - Claudine Baretto/Dessa Patilan Theft Accusation. Pinanood ko at laman ng video ang komprontahan ni Claudine at ng katulong na naipakulong pero pinansiyahan ni Gretche­n Barretto kaya laya na ngayon.

Nagko-komprontahan sila at ipinakikita ro­on na ang mga alahas at mga cell phone ay inilagay sa teddy bear/stuffed toy na tinahi at saka sana planong dalhin nang aalis siya. Pero natuklasan ni Claudine Barretto base sa video kaya tinastas ang nasabing stuffed toy at doon nga nakuha ang mga gamit.

Sa naririnig kong audio ay gulat na gulat si Claudine sa ginawa ng kanyang assistant/kasambahay.

Lumalabas sa napanood kong YouTube na may ginawa ang nakulong na assistant/kasambahay.

Pero hindi ko naman sigurado kung authentic ang nasabing video o nagalaw na.

Tingnan natin kung magagamit ang nasabing video bilang ebidensiya sa korte.

Nagkamali nga kaya ng husga si Gretchen sa katulong na tinulungan niyang makalaya?

 

Show comments