Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar nag-iimbita ng mga magtitinda

MANILA, Philippines - Hangad ng Manila Broadcasting Company (MBC) na iangat ang antas ng personal shopping para sa mga artista at iba pang kilalang celebrity sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-24 hanggang ika-26 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay City. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nag­titinda ng  iba’t ibang produktong galing sa mga la­lawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang One Town, One Product ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaaring makipag-ugnayan kay Te­ray Rivas sa telepono bilang 832-3249 at 833-4484.  

Ang Aliwan Fiesta ay handog ng MBC at Star City, kasama ng Cultural Center of the Philippines at mga lungsod ng Maynila at Pasay. Suportado rin ito ng Tanduay Rhum, Coca Cola, Pride, Unique Toothpaste, Dazz, Alaska Milk, Columbia International Foods, M. Lhuillier, Cherry Mobile, Republic Chemicals, Fukuda, 7-11, at 2Go.

 

Show comments