MANILA, Philippines - Mapapanood na ang Alisto sa bago nitong timeslot, tuwing Martes simula Marso 25, kasama si Arnold “Igan†Clavio sa paglalantad ng mga makapigil-hiningang eksena, madugong mga disgrasya, at mga pasaway na motorista.
Idinisenyo ang mga pedestrian lane para sa mas ligtas na pagtawid sa kalsada, pero may mga taong inaabot pa rin ng disgrasya. Sino nga ba ang pasaway kaya patuloy na nagkakaroon ng ganitong mga trahedya?
Huling-huli naman sa CCTV camera ang pagtilapon ng dalawang tao matapos salpukin ng isang sasakyan sa Davao City, gayundin ang pagkakabundol ng humaharurot na motorsiklo sa isang lalaki.
Tampok din ang isang insidente kung saan nauwi sa sapakan ang away ng dalawang driver sa Davao City at ang pagsiklab ng rambol ng ilang mga kabataan sa kabila ng pagdating ng mga pulis.
Ilang pasaway na driver naman ang sige pa rin sa pakikipag-karera kaya ang madalas na resulta ay salpukan sa kalsada. Ano nga ba ang mga dapat tandaan para mas maging ligtas ang biyahe ng mga motorista?
Abangan lahat ng ito at palaging maging Alisto kasama si Arnold Clavio sa bago nitong timeslot, tuwing Martes, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.