Carla at Geoff confirmed na hiwalay na

Pinakinggan ang acceptance speech ni Carla Abellana sa 5th Golden Screen TV Awards ng ENPRESS nang manalo siya sa outstanding performance by an actress in a drama series sa role ni Lally sa My Husband’s Lover. Pinasalamatan ni Carla ang lahat na dapat pasalamatan pero wala ang pangalan ni Geoff Eigenmann.

Hindi alam kung nakalimutan lang nito pero may mga nag-react ng “confirmed” at alam na ang ibig sabihin nito. Binisita namin ang Instagram ni Geoff at hindi niya kinongratulayt si Carla.

Kung anu-ano tuloy ang naisip ng mga nasa Teatrino venue last Friday pero sabi ni Carla sa interview, okay sila and, in fact, dadalo siya mamaya sa birthday dinner for Geoff na family members at close friends lang ng aktor ang invited.

Sa latest Instagram post ni Carla, hawak nito ang trophy from ENPRESS at may caption na “Nang ako’y nakauwi kagabi at natulala. Best actress ba talaga ito?”

 Ryzza Mae tinamaan ng amoeba 

Hindi na naman natanggap ni Ryzza Mae Dizon ang special citation niya as the youngest TV host. Ang manager nitong si Malou Choa-Fagar ang tumanggap ng trophy ng bata at nabanggit na three days na itong may sakit. Tinamaan daw ng ameobiasis si Aling Maliit. ’Katuwa si Eugene Domingo sa acceptance speech niya para sa award ng Celebrity Bluff as outstanding game/talent prog­ram at outstanding game/talent program host. Pati Star Awards ay pinasa­la­matan dahil wala siya nang siya’y manalo sa award-giving body.

Sen. Bong nararamdaman na ang pinagdadaanan ni Hayden

Nakakatuwa rin ang sagot ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa suhestiyon ng press na magkaroon sila ng renewal of vows ni Cong. Lani Mercado habang nasa Holy Land sila. “Matutuwa lalo ang asawa ko,” sagot nitong nakangiti.

Sa March 30 ang alis ng mag-asawa at 10 days sila sa Holy Land at handa na siyang makita sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. na kasabay nila sa pilgri­mage. Tapos na raw sa kanya ang isyu, nagdusa na si Hayden at right time nang mag-move on.

Natawa ang press sa nabanggit ng senador na “in fairness, naramdaman ko ang mga naramdaman ni Hayden.” Sa nalaman namang gustong mag-back out ni Dr. Vicki nang malamang makakasama nila ang mag-asawang pulitiko sa Holy Land, sagot ni Bong ay “Pupunta kami sa Holy Land to visit at hindi para maki­pag-away.”

Hindi naman sinagot ni Bong ang tanong tungkol kay Rosanna Roces dahil lola pa rin ito ng apo niya.                                                                          

Habang wala pa si Bong, ipinalalabas ang video ng pag-iikot niya sa iba’t ibang lugar ng bansa na ang background music ay ang theme song ng Panday. Nabanggit tuloy nitong kung sasali siya sa 2014 Metro Manila Film Festival ay ang Panday uli ang gagawin niya.

Version ng Let It Go ni regine kinababaliwan ng mga intsik

Hit sa WEIBO, ang equivalent ng Twitter at Facebook sa China, ang version ni Regine Velasquez ng Let It Go. Puro positive ang comments at may nag-post pa ng, “She can easily surpass the original version and make it even better” at “Her passion in singing is extraordinary.|”

Sana mapakinggan din ng Chinese WEIBO users ang ibang songs ni Regine para lalo nilang malaman at madiskubre kung gaano kahusay na singer ang Asia’s Songbird.

Anak ni Alvin Patrimonio sasabak na rin sa beauty contest

Nakita namin si Alvin Patrimino at anak na si Angelo Patrimonio sa presscon ng Echoserang Frog, launching movie ni Shalala, na guest ang mag-ama. Kuwento ng direktor ng movie na si Joven Tan, isang sabi lang niya kay Alvin na mag-guest, agad nang pumayag.

Gaya sa ibang nag-guest sa movie, wala ring talent fee sina Alvin at Angelo at willing pa nga silang tumulong sa promotion ng movie na showing sa April 2. Dadalo rin sila sa premiere night ng movie sa March 30 sa Fisher Mall, sa Quezon City.

Kinumpirma naman nitong nagti-training na under Mercator ni Jonas Gaffud ang anak na si Clarisse dahil gustong i-try sumali sa beauty pageant.

Show comments