Ely Buendia handa nang ipakita ang alam sa filmmaking
Ang Bang Bang Alley ng Omnibus Film na naglalarawan ng mga kuwento tungkol sa corruption, violence, amorality ay mapapanood na sa April 9.
Nabuo ito ng tatlong kuwento. Ang una ay Pusakal, sinulat at nagsilbing directorial debut ng rock icon na si Ely Buendia na bihira ang nakakaalam ay kumuha ito ng units sa filmmaÂking. Kabituin ni Ely sina Megan Young, Perla Bautista, at James Wilson.
Ang second episode ay Aso’t Pusa’t Daga na isinulat at idinirek ni Yan Yuzon. Tungkol ito sa isang young, TV journalist na nakalista sa maraming political massacre at hanÂdang tumestigo laban sa mastermind na isang government official.
Ang ikatlong episode ay Makina sa direksiyon ni King Palisoc. Tungkol ito sa isang driver na niloloko pala ng asawa.
Ang Bang Bang Alley ay mula sa Curves Entertainment, Nimbus Film Production, at ire-release ng Solar Entertainment Corporation.
Megan tinuruang bumaril ni Perla
Nabuo ang bonding nina Perla Bautista at MeÂgan Young nang magkasama sa Bang Bang Alley sa ikatlong episode na Pusakal. Gagampanan ng Miss World 2013 ang role ni Abbey na ’di sinasadyang nabaril at napatay ang boyfriend ng kanyang kapatid. Nagtago ito sa bundok ng Benguet at dun nakilala si Perla bilang Manang.
Ibinuking ng beteranang aktres na hindi marunong humawak ng baril ang beauty queen-actress.
‘‘Ang tatay ko kasi ay isang ex-military officer at nung bata pa ako ay mahilig na ako sa pagbaril. Kaya tinuruan ko si Megan sa paghawak pa lang ng baril at gatilyo. Madali naman siyang natuto,†sabi ni Perla.
Umaasa ang mga producer na sana’y tangkilikin ang una nilang proyekto.
PERSONAL…
Binabati ko ang aking mother-in-law na si Margarita Bautista na nagdaraos ngayon ng kanyang kaarawan sa San Jose del Monte.
- Latest