Sen. Bong ipinagdidiinang malinis ang konsensiya

Muli idiniin ni Sen. Bong Revilla na malinis ang kanyang konsensiya sa mga ipinaparatang sa kanya kaya sa halip na mag-dwell sa mga negatibong may kinalaman sa kanyang mga kalaban sa pulitika ay nagpo-focus na lamang siya sa trabaho at sa kanyang pamilya. 

Ibinahagi rin ni Sen. Bong ang kanyang paglilibot sa buong Pilipinas at dito niya naramdaman ang pagmamahal at suporta sa kanya ng Sambayanan na una nilang ipinakita nang siya’y mahalal na senador ng bayan.

Ayon kay Sen. Bong, tumigil ang buhay sa kanya nang sumambulat sa publiko ang tungkol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam kung saan damay ang kanyang pangalan. 

Dahil sa mga kinakaharap na pagsubok ngayon ni Sen. Bong na may kinalaman sa kanyang political career, natuto siyang harapin ang lahat nang buong tapang at patuloy na ipaglalaban ang kanyang karapatan.

Kathryn nagka-oras sa debut

Nang magtapos sa ere ang hit telerseryeng Got to Believe na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagkaroon ng oras ang debutante na si Kathryn na tutukan ang lahat ng detalye sa kanyang nalalapit na grand de­but party na gaganapin sa Blue Leaf, Taguig City on March 29, three days after her actual birthday on March 26.

Talagang tinutukan lahat ni Kathryn ang bawat de­talye na may kinalaman sa kanyang debut party – from the invitations, theme, color motif, music, gown, decors, food, at iba pa. Hands on siya sa lahat ng detalye. Since once in a lifetime lamang ang debut na kan­yang mararanasan, she made it a point na mga gusto niya ang kanyang makikita at mangyayari. Mo­dern vintage (classic) ang tema ng kanyang debut na may pinaghalong black, mystic pink, o Dior pink ang kulay. Pinaghalo naman niya ang 18 Treasures sa 18 Ro­ses and Candles dahil ayaw niya ng mahabang program. Siya rin ang namili ng participants sa 18 Roses and 18 Candles.  Si Pablo Libiran ang may gawa ng gown na isusuot ni Kathryn at si Vania Ramoff naman sa after-party dress.

Of course, ang kanyang ka-MU (mutual understanding) at ka-love team na si Daniel Padilla ang special escort ni Kathryn sa kanyang debut.

Samantala, bukod sa grand debut, magkakaroon din ng isa pang debut party for her organized by her fans sa Fernwood Gardens on March 23 na matagal umanong pinaghandaan ng kanyang mga tagahanga.

Personal…

Congratulations sa aking anak na si Aila Marie Reyes na nagtapos ng dou­ble degree course in business administration and International Studies sa Kwansei Gakuin University sa Nishinomiya City, Japan last March 18. Si Aila ay nakatakdang magtrabaho sa isang major company in Tokyo, Japan simula April 1.

Show comments