Hindi naman ako nagkamali sa aking pakiramdam na may aabutin itong si Shalala. Biruin n’yo, bida na ng sarili niyang pelikula ngaÂyon, ang Etchoserang Frog.
Okay na kami ngayon bagama’t nagkasamaan kami ng loob before pero ang friendship naman ay palaging nangiÂngibabaw lalo na’t siya ang nagpasimuno ng aming pagbabati.
Hinahangad ko lang ang ibayo pa niyang tagumpay at sana huwag lumaÂki ang ulo niya kundi babatukan ko siya kahit sikat na siya!
Ely lalaban naman sa mundo ng filmmaking
Good luck kay Ely Buendia sa kanyang new venture bilang producer at direktor ng indie film na Bang Bang Alley. Bilib ako sa batang ito dahil namiligro na ang buhay pero heto at lumalaban pa rin sa kanyang pagnanais na maipamalas sa lahat ang iba pa niyang katangian.
Again, good luck, Ely! Alam kong mapagtatagumpayan mo rin ang bago mong pinasok tulad ng pagiÂging musikero mo.
Sen. Bong dadaan sa butas ng karayom dahil sa ambisyon
Kaya naiintriga si Sen. Bong ReÂvilla, Jr. ay dahilan sa pagiging open niya sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016. Eh tulad niya marami rin ang may ganitong ambisyon. Talagang dadaan siya sa butas ng karayom. Aba eh, good luck sa kanya. Tatagan lang niya ang loob niya dahil iba ang laro sa pulitika, hindi parehas. At kailangan ding mahaba ang pisi niya.