Lito Atienza isinusulong ang sining at kultura

PIK: Matagal nang hindi alkalde ang Buhay Party-list representative Lito Atienza, tuloy pa rin ang proyekto niyang Lito Atienza Cultural Arts Foundation na nagbibigay ng scholarship sa kabataang may talento sa pagsayaw.           

Bilang dating Bayanihan dancer, gustong ipagpatuloy ni Atienza ang pag-develop sa mga kabataang may talent sa pagsayaw, pagkanta, at sa iba pang may kinalaman sa sining at kultura.

Nung nakaraang Sabado ay nagkaroon ng dance concert ang mga bagong graduate na ginanap sa Star Theater sa Star City, Pasay City.

PAK: Sobrang apektado si Andrea Torres sa pagkamatay ng aspiring designer na si Kenneth Chua na pinaslang sa kanyang tahanan sa Makati City kamakailan lang.

Gay best friend pala ni Andrea ang naturang designer na sobrang nagulat nang nabalitaan niya ang naturang krimen.

Bago pa pumutok ang naturang balita, nalaman na ni Andrea ang nangyari sa kanyang best friend dahil tumawag daw siya nung araw na iyon para magpapagawa raw sana ng gown. Doon niya nalaman ang masamang balita kaya sobrang na-shock daw siya at hindi makapaniwalang iyon ang sinapit ng mabait niyang kaibigan.

BOOM: Hindi natuloy ang pagbaba ng resolution ng piskalya ng Pasig-Regional Trial Court sa kasong rape na isinampa ni Roxanne Cabañero laban kay Vhong Navarro.

Nag-submit pa raw kasi si Roxanne ng reply affidavit niya sa perjury case na isinampa naman ni Vhong.

Kaya humingi ng palugit ang abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ng hanggang Lunes para mapag-aralan pa nila ang huling isinumite ni R­oxanne kung sasagutin pa nila o hindi.

Hindi dumalo si Vhong sa hearing at si Roxanne naman ay nung Miyerkules pa niya sinumpaan ang kanyang affidavit para makaiwas sa media na gustong mag-interview sa kanya.

Kahapon lang na-submit ng abogado ni R­oxanne ang naturang affidavit.

 

Show comments