MANILA, Philippines - Hindi pa naman pala nagkakabayaran sa pagitan nina Mr. Ramon Ang at ang GMA 7. Pero almost done deal na raw ang nasabing bilihan. Naghihintay na lang daw na magkabayaran at saka pa lang magiging official ang lahat.
Aborted na raw talaga ang negotiations ng grupo ni Mr. Manny V. PaÂngilinan at ni Mr. Felipe L. Gozon (GMA 7 president) kahit tinapatan ng una ang alok na presyo ni Mr. Ang.
Mas pinaboran daw ng mga may-ari ng GMA si Mr. Ang.
Ex-TV host ’di pinalabas ng may-ari ng Casino nang matalo ng P400M
Ay, true pala talaga ang balita na hindi pinalabas ng may-ari ng isang hotel casino ang ex-TV host nang matalo ito sa casino ng P400 million.
Kaya wala raw nagawa ang nasabing ex-TV host kundi ang magbayad ng nasabing halaga.
Isang kotse at bahay sa Tagaytay daw ang idinispatsa nito para makabayad.
Sa high ruler daw kasi talaga ito nakiki-level dahil mayaman nga naman.
At ang basa ng source, kung hindi magbabago ang lifestyle ang ex-TV host, baka maubos ang kanyang kayamanan.
Wala pang opisyal na pag-amin ang nasabing TV host tungkol sa nasabing isyu.
Pagsalba ng pamilya sa peligro, ituturo ni Atom
Walang pinipiling tao, oras, o lugar ang peligro, aksidente, at trahedya kaya naman mahalagang alam ang mga dapat gawin para sa kaligtasan ng bawat isa.
Maraming pagkakataon na mababawasan sana ang mga napapahamak, kung hindi man lubusang maiwasan na may magbuwis ng buhay, kung may sapat na kaalaman lamang ang mga nalalagay sa alaÂnganin.
Ito ang tutugunan ng bagong programa ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs — ang Red Alert na ilulunsad simula ngayong BÂiyernes (Marso 21) sa pangunguna ni Atom Araullo!
“Ligtas ang may alam! Hindi sapat ang naghihintay lamang ng tulong o responde dahil bawat segundo ay mahalaga sa oras ng peligro. Iyon ang ibibigay ng Red Alert sa publiko,†paliwanag ni Dondi Ocampo, head ng News Variety, Infotainment & Talk ng Current Affairs.
Linggu-linggo hihimayin ni Atom ang mga sitwasyon na posibleng harapin ng mga karaniwang tao at ipakikita ang mga puwedeng gawin upang makaligtas roon.
“Iba ring magturo ng kaalaman ang karanasan. Kaya naman susubukan ko mismo na ilagay ang sarili ko sa iba’t ibang sitwasyong pinagdaraanan ng ating mga kapamilya,†sabi ni Atom.
Unang itatampok ang mga dapat gawin kapag may sunog base na rin sa naging karanasan ng mga nasunugan at kuwento ng ilan na hindi lang nawalan ng ari-arian, kung hindi’y namatayan pa. Napapanahon ito dahil pinag-iingat ang mga tao para maiwasan ang sunog na dumadalas tuwing tag-araw.