MANILA, Philippines - Noong 1521, unang dumaong sa isla ng Homonhon sa Eastern Samar ang mga barko ni Ferdinand Magellan. Nabighani si Magellan sa ganda at yaman ng lugar. Dito siya kumuha ng tubig at pagkain para sa ibayo pang paglalayag.
Ngayong 2014, dismayado ang mga bumibisita sa isla. Tatlong dekada na kasing minimina ang isla para sa chromite.
Kung tutuusin, bawal magtayo ng minahan sa isang historical landmark. Dapat may permiso ito ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP. Pero nabigyan ng Environmental Compliance Certificate o ECC mula sa Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) ang mining companies sa isla kahit ’di alam ng NHCP.
Noong 2011, ipinatigil ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng permit sa pagmimina sa buong bansa. Naglabas din ng executive order na nagsasabing dapat pantay ang hatian sa kita pagitan ng gobyerno at mining company. Sa umiiral kasi na batas, two percent na excise tax lamang ang napupunta sa gobyerno.
Sa Cagayan, black sand naman ang minimina sa tabing dagat kahit pinatigil na ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang operasyon ng ilang mining companies. Tuloy pa rin sa paghuhukay ang mga ito. Sa dalampasigan ng Buguey, Cagayan. Nalanta na ang mga puno at bakawan. Ilang beses nang nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente pero talunan sila sa kanilang laban.
Bakit nakakalusot ang mga iligal na pagmimina? Sino lang ang kumikita rito? Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.